Jessica Soho, nag-react sa viral na post ukol sa kanya: "Uy, sobra naman kayo"

Jessica Soho, nag-react sa viral na post ukol sa kanya: "Uy, sobra naman kayo"

  • Nag-react si Jessica Soho sa isang viral comment na nagsasabing personal siyang lumilipad para sa mga gwapong guests
  • Natawa si Jessica sa biro ngunit agad din niyang ipinagtanggol ang kanyang sarili dahil sa naturang viral na online post
  • ​Sa huli, kinumpirma niya na totoong gwapo si Eman Bacoso Pacquiao, ang subject ng viral post tungkol kay Jessica
  • Ginamit naman niya ang viral moment para i-promote ang 'KMJS: Gabi ng Lagim: The Movie'

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naging laman ng social media ang award-winning na broadcast journalist na si Jessica Soho matapos siyang mag-react sa isang viral comment tungkol sa kanyang paraan umano ng paggawa ng interview para sa kanyang programa, ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Jessica Soho, nag-react sa viral na post ukol sa kanya: "Uy, sobra naman kayo"
Jessica Soho, nag-react sa viral na post ukol sa kanya: "Uy, sobra naman kayo" (@km_jessica_soho)
Source: Instagram

Ang nakakatuwang video ay ibinahagi ng official Instagram page ng KMJS, kung saan makikita si Jessica mismo ang bumabasa sa nasabing viral post at nagre-react sa comment ng isang netizen.

​Ang viral post ay nagmula sa isang netizen na nagbahagi ng kanilang observation tungkol sa mga guest na fini-feature ni Jessica. Ang post ay may larawan ni Eman Bacosa Pacquiao kasama ang host.

Read also

Marian Rivera, may mensahe kay Zia matapos ang performance nito sa That's Amore

​"Pag pogi, personal na pinupuntahan ni Ma'am Jessica, pero pag engkanto lumipad ang kanyang team."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

​Ang biro ay tumutukoy sa segment ng KMJS kung saan personal na bumibisita si Jessica sa mga personalidad, habang ang iba nilang mga kwento ay kinukunan ng kanyang team sa iba't ibang lugar.

​Natawa at nagulat si Jessica sa kanyang nabasa, at agad itong sinagot, sabay depensa sa kanyang naturang trabaho.

​"Uy, sobra naman kayo sa akin. Nagko-cover naman po ako ng mga sakuna, katulad ng mga lindol, bagyo, at pati nga yung mga kurakot, diba?" pagtatanggol niya sa video na kinaaliwan ng marami.

​Ngunit sa dulo, nagbigay din siya ng confirmation sa observation ng netizen tungkol kay Eman, na kanyang nakausap.

​"Pero totoo po, guwapo si Emman Bacosa Pacquiao, heartthrob, diba? Boksingero, pwedeng maging artista kaya nga tinatawag nilang Piolo Pacquiao, diba? Pero kung gusto niyo talagang makakita ng mga engkanto at mga nakakatakot, manood po kayo ng KMJS: Gabi ng Lagim: The Movie sa mga sinehan, starting November 26. Kita-kits!"

Read also

“Quen didn’t post this”: Manager ng Kapamilya actor nilinaw ang lumabas na post

​Ang candid na video ni Jessica ay nagbigay ng good vibes sa social media at nagpakita ng kanyang sense of humor sa kabila ng pagiging seryoso sa kanyang propesyon, bagay na kinaaliwan ng marami.

"Laptrip talaga si Mareng Jessica!"
"Winner po ang marketing department for today's video."
"O, nakapag-promote pa si Miss Jessica HAHAHAHAHA."
"At na-address na rin sa wakas ang viral na post, laptrip super."

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Jessica Soho ay isang batikang Filipina broadcast journalist at TV host na kilalang personalidad sa Philippine media. Matagal siyang naging anchor ng GMA News programs at lalo pang sumikat bilang host ng award-winning public affairs show na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), kung saan tampok ang kuwentong bayan, viral stories, human interest features, at iba't ibang isyung panlipunan. Kilala siya sa mahusay na storytelling, malalim na pagtatanong, at maingat na paghawak ng mga sensitibong paksa, dahilan para makatanggap siya ng maraming parangal bilang journalist at TV host. Bukod sa kanyang husay sa harap ng kamera, si Jessica ay naging simbolo rin ng kredibilidad pagdating sa pagbabalita niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay

Read also

Richard Gutierrez, todo-depensa kay Ivana Alawi laban sa intriga

Samantalang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco