Reporter, napatakbo nang biglang rumagasa ang tubig dagat papasok sa tinutuluyang hotel sa Baler
- Kitang-kita kung paano mabilis na rumagasa ang tubig dagat sa isang beach hotel sa Baler
- Ipinakikita lamang ng ABS-CBN reporter ang lagay sa nasabing lugar nang bigla na lamang masapul sa video ang insidente
- Masasabing naghanda umano ang lugar sa posibleng epekto ng bagyong 'Uwan', subalit sadyang malalaki ang alon ng dagat doon
- Tinaguriang Super typhoon si 'Uwan' kung saang nakataas sa Signal no.5 ang epekto nila sa ilang lugar
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Umabot na hanggang sa loob ng isang hotel sa Sabang Beach, Baler, Aurora ang malalakas na hampas ng alon dulot ng Super Typhoon Uwan FUNG-WONG, na kasalukuyang nananalasa sa malaking bahagi ng Luzon.

Source: Facebook
Sa nasabing hotel tumutuloy ang ilang international media at mga storm chasers na dumayo sa lugar upang magmasid sa matinding epekto ng bagyo sa baybaying bahagi ng lalawigan.
Sa video na kuha ni Dennis Datu ng ABS-CBN, makikitang tuloy-tuloy ang pagbugso ng malalaking alon na umaabot papasok sa hotel na sinissilungan dahilan upang siya'y mapatakbo.

Read also
Albie Casiño, binanggit si Slater Young sa gitna ng muling pag-init ng isyu tungkol sa Monterrazas
Bagaman handa umano ang establisimyento sa posibleng pagtaas ng tubig, makikita sa video ang unti-unting pagpasok ng tubig-dagat sa loob ng gusali dahil sa tindi ng hampas ng alon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa ulat, nakapaghanda na ang pamunuan ng hotel at pansamantalang inilipat sa mas matataas na palapag ang mga bisita upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si Super Typhoon Uwan ay may lakas ng hanging aabot sa 195 kilometro kada oras malapit sa gitna, at may pagbugsong umaabot hanggang 240 kilometro kada oras. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa silangang bahagi ng Luzon at patuloy na kumikilos pahilagang-kanluran, dahilan upang direktang tamaan ang mga lalawigan ng Aurora, Quezon, at Isabela.
Dahil sa lakas ng bagyo, nakataas na ang Signal No. 5 sa ilang bahagi ng silangang Luzon. Nakararanas ng matinding pagbuhos ng ulan, pagbaha, at landslide ang maraming lugar sa rehiyon. Sa Aurora, maraming residente ang inilikas mula sa mga baybaying barangay patungo sa mga itinalagang evacuation center. Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa mahigit 3,000 indibidwal na ang nailikas bilang bahagi ng preemptive evacuation.
Samantala, nakaranas din ng malawakang pagkawala ng kuryente sa ilang bayan ng Aurora at Quezon matapos bumagsak ang mga poste at masira ang ilang linya ng kuryente. Sa Baler, ilang kalsada ang hindi madaanan dahil sa bumagsak na mga puno at debris na tinangay ng hangin.
Sa Metro Manila at kalapit na probinsya, nakaranas din ng malalakas na hangin at ulan na nagdulot ng kanselasyon ng klase at ilang biyahe sa himpapawid at karagatan.
Ayon sa mga eksperto, si Uwan ang isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa sa mga nakalipas na taon, maihahambing sa mga super typhoon tulad ng Rolly (2020) at Yolanda (2013). Dahil dito, muling nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan at umiwas sa mga delikadong lugar, lalo na sa mga baybaying apektado ng storm surge.
Habang patuloy na binabayo ng malalakas na alon ang baybayin ng Baler, nananatiling matatag ang mga residente at mga frontliner na nagsusumikap tiyaking ligtas ang bawat mamamayan. Sa kabila ng matinding unos, muling ipinamalas ng mga taga-Aurora ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan sa harap ng kalamidad.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
