Ina, pumanaw matapos subukang iligtas ang anak sa tumaob na bangka

Ina, pumanaw matapos subukang iligtas ang anak sa tumaob na bangka

  • Isang 40-anyos na ina ang nasawi matapos mabaligtad ang bangkang sinasakyan nila sa Lake Buluan, Maguindanao del Sur
  • Apat niyang anak, asawa, at dalawang kamag-anak ay ligtas na na-rescue ng mga otoridad
  • Ayon sa Buluan LGU, nalunod ang babae matapos subukang iligtas ang kanyang bunsong anak
  • Tinutukoy ng mga awtoridad na overloading ang dahilan ng pagtaob ng bangka

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang 40-anyos na ina mula sa Buluan, Maguindanao del Sur ang nasawi matapos tumaob ang bangkang sinasakyan ng kanyang pamilya sa Lake Buluan nitong Lunes, Nobyembre 3, 2025.

Ina, pumanaw matapos subukang iligtas ang anak sa tumaob na bangka
Ina, pumanaw matapos subukang iligtas ang anak sa tumaob na bangka (đź“·Pixabay)
Source: Original

Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan, patungo ang pamilya sa kanilang fish cage sa Barangay Maslabeng nang mangyari ang trahedya. Sakay ng bangka ang babae, ang kanyang asawa, apat na anak na edad apat hanggang siyam, at dalawang kamag-anak. Habang binabaybay nila ang lawa, biglang tumaob ang bangka dahil sa sobrang bigat ng karga.

Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad. Matapos ang halos tatlong oras, narekober ang katawan ng ina. Sinubukan pa siyang i-revive sa pamamagitan ng CPR, ngunit idineklara siyang dead on arrival pagdating sa ospital.

Read also

Amang nagnakaw ng baby milk, huli; chief of police, binayaran gatas para makalaya ito

Ayon kay Buluan Vice Mayor King Mangudadatu, nagtangkang iligtas ng babae ang kanyang bunsong anak bago siya tuluyang nalunod. “According doon sa tatay, nung sinasalba niya yung bata, yun, nalunod yung nanay. Sa kasamaang palad, namatay ito during sa pag-rescue sa kanya,” paliwanag ng opisyal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, overloading umano ang naging sanhi ng aksidente. “Good for five lang yung bangka. Dahil mga bata yung mga kasama nila, siguro in-anticipate nila di makaka-capsize pero sa kasamaang palad, tumaob yung bangka dahil overloaded,” saad pa ni Mangudadatu.

Ligtas naman na na-rescue ang asawa ng babae, ang kanilang apat na anak, at dalawang kamag-anak. Agad silang dinala sa kalapit na health center upang suriin ang kalagayan.

Nagpaabot naman ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Buluan sa pamilya ng nasawi, kabilang ang financial at psychosocial assistance. Ayon kay Mangudadatu, magsasagawa rin sila ng information drive upang ipaalala sa mga residente ang kahalagahan ng pagsunod sa safety protocols sa paglalayag.

Read also

16-anyos na mangangalakal, sinaksak ng estudyante matapos magkaalitan hatinggabi

Para sa mga residente ng Buluan, ang naturang insidente ay nagsilbing paalala sa panganib ng sobrang karga at kawalan ng safety gear tulad ng life vests sa mga maliliit na bangka.

Ang Lake Buluan ay isa sa mga pinakamalalaking lawa sa Mindanao na bumabagtas sa mga lalawigan ng Maguindanao del Sur at Sultan Kudarat. Karaniwan itong dinadaanan ng mga lokal na mangingisda at pamilya patungo sa kanilang mga fish cages. Gayunman, sa mga nakalipas na taon, ilang aksidente na rin ang naitala rito dahil sa biglaang pagbabago ng panahon at kakulangan sa safety equipment.

Ayon sa lokal na disaster office, karaniwang nag-o-overload ang mga maliliit na bangka tuwing papunta sa mga fish cages, at karamihan sa mga pasahero ay hindi nagsusuot ng life vest.

Lalaki, nasagip matapos matagpuang palutang-lutang sa dagat malapit sa Calapan City Isang lalaki ang matagumpay na nailigtas ng mga mangingisda matapos matagpuang palutang-lutang sa karagatang bahagi ng Calapan City. Ayon sa ulat, naputol umano ang lambat na kanyang inaayos, dahilan upang mahulog siya sa dagat. Kaagad naman siyang dinala sa ospital at ngayon ay nasa maayos na kalagayan.

Read also

Lalaki, patay matapos paluin ng pala at kahoy ng sariling anak

Lalaki na tumalon mula barko papuntang Bohol, nailigtas matapos tanggihan ang life ring Isang lalaki ang nailigtas matapos tumalon mula sa barkong biyaheng Bohol. Ayon sa Philippine Coast Guard, tumanggi umano ang lalaki na gamitin ang life ring na inihagis ng crew. Sa kabutihang-palad, agad siyang nasagip ng mga rescuers at dinala sa ligtas na lugar.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate