Babae, naloka sa ginawa sa kanya ng isang Jollibee mascot: "Napaka mo, Jollibee"
- Nag-viral ang video ng isang babae na nagulat sa ginawa ng mascot na si Jollibee sa isang birthday party
- Ang sikat na mascot, sa gitna ng birthday greeting, ay bigla na lamang kasing humarap sa babae
- Sa gitna naman ng nakakagulat na gimmick ni Jollibee ay tawang-tawa pa rin ang babae
- Say tuloy ng babae sa caption ng kanyang viral na post sa Instagram ay, "Napaka mo, Jollibee"
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Naging viral at nagdulot ng hagalpakan ng tawa ang isang video sa Instagram, kung saan makikita ang netizen na si @kwinimarie_ na labis na nagulat dahil sa ginawa ng isa sa mga sikat na mascot ng Pilipinas na si Jollibee, sa isang birthday party.

Source: Instagram
Ibinahagi kasi ng babae ang video na kuha sa gitna ng selebrasyon ng kaarawan ng isang batang nagngangalang Dev, kung saan ang mascot ang nakatabi niya habang sila ay nakikinig sa host.
Sa simula ng clip, makikitang nakangiti ang babae habang naghahanda ang lahat na sumigaw ng birthday greeting.
Nang sumigaw na ang lahat ng "Happy Birthday Dev!" ay bigla namang humarap ang mascot sa babae at tinakpan ang bibig nito bago pa ito makabati, na nagdulot ng gulat at hindi mapigilang tawa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Labis namang nagulat ang babae sa ginawa ng mascot, ngunit labis din siyang natawa sa pagiging maloko nito.
Aniya tuloy ng babae sa caption ng kanyang viral post sa Instagram: "Hahahahaha napaka mo, Jollibee!"
Matapos ang insidente, maririnig ang babae na nagbiro at tila nagreklamo pa sa naging gimmick ni Jollibee. "Aray ko! Hindi mo ako pinasigaw!" biro niya sa mascot.
Ang post na ito ng babae ay mabilis na kumalat dahil sa raw at nakakatuwang reaction niya, na nagpapakita kung gaano talaga nakakaaliw ang mga mascot ng naturang fast food chain. Ang video ay nag-iwan ng ngiti sa maraming netizen at nagdala ng good vibes sa social media at umani pa nga ito ng mahigit 496,000 views sa Instagram.
Panoorin ang video sa ibaba:
Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay isang video ng dalawang host na tumatakbo palayo sa stage ang nag-viral online. Ang nakakaaliw na pangyayari ay naganap sa isang pageant na may temang Halloween. Ang genuine at mabilis na reaksyon ng mga host ay nagdulot ng hagalpakan ng tawa sa mga manonood. Ikinumpara naman ng mga netizen ang eksena sa "literal na stage fright."
Samantalang isang simpleng utos ang talaga namang nauwi sa halakhakan sa social media. Nag-post kasi ang isang user na si @rovs_who ng pangyayari sa kanilang bahay. Tila inutusan ng kanilang mama ang kanyang kapatid na kumuha ng malunggay. Ngunit, ang dinala ng kanyang kapatid sa bahay ay talaga namang ikinawindang ng lahat.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

