ROAD RAGE: Siklista at driver, nagpambuno dahil sa away na nag-umpisa raw sa isang busina
- Nag-viral sa social media ang road rage sa pagitan ng isang driver at siklista
- Nagsimula ang away matapos businahan ng driver ang siklista na lumihis sa gitna ng kalsada
- Nauwi sa komprontahan at pisikalan ang insidente ngunit agad namagitan ang isang pulis
- Nagkaayos din ang dalawang panig matapos paalalahanan ng awtoridad na magpasensya sa kalsada
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Facebook
Nag-viral sa social media ang video ng road rage sa pagitan ng isang driver ng kotse at isang siklista matapos silang magkainitan dahil sa busina.
Sa kuha ng video, makikitang nagkaroon ng pisikalan ang dalawa sa may bahagi ng driver’s seat ng kotse at nagmurahan pa.
Base sa imbestigasyon, lumihis umano ang siklista sa gitna ng kalsada matapos iwasan ang basang bahagi ng daan.
Dahil dito, binusinahan siya nang malakas ng driver na nasa kaniyang likuran. Ayon sa mga ulat, nasagot din daw ng mura ng siklista ang driver.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Humabol umano siya sa kotse kaya nauwi ito sa komprontahan at pisikalan.
Mabuti na lamang at agad namagitan ang isang pulis sa lugar. Hindi na nauwi sa reklamo ang insidente matapos magkausap at magkaayos ang dalawang panig.
Ayon kay Police Colonel Jenny Tecson, “Napaliwanagan sila na may kakaharapin silang parehas na kaso kung gusto nila ituloy. Nakapag-isip-isip sila na huwag na lang at maayos naman nila ang hindi pagkakaunawaan.”
Nagpaalala rin si Col. Tecson sa lahat ng motorista na maging kalmado sa daan. “Dapat po habaan natin ang pasensya. Huwag din tayong pikon. Give and take lang yan. Kung hindi ka marunong mag give way, walang mangyayari,” aniya.
Panuorin ang ulat sa bidyong ito:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
 
    
