Pasaherong lalaki, patay matapos saksakin ng lalaking umano’y may sakit sa pag-iisip sa bus
- Isang lalaki ang nasaksak at napatay ng kapwa pasahero sa loob ng bus sa Talavera, Nueva Ecija
- Ayon sa pulisya, bigla umanong tumayo ang suspek at ilang beses na sinaksak ang biktima
- Nakita umanong pabulong-bulong ang suspek bago ang insidente at nanatili sa lugar matapos ang krimen
- Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa tunay na motibo sa likod ng pananaksak
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang nakaririnding insidente ang naganap sa Barangay Pinagpanaan, Talavera, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi, Oktubre 25, matapos umanong saksakin hanggang sa mapatay ng isang lalaking may problema sa pag-iisip ang kapwa pasahero sa loob ng isang pampasaherong bus.

Source: Original
Ayon sa ulat ng pulisya, nangyayari ang insidente habang nagpapababa ng kargamento ang konduktor malapit sa isang tulay.
Sa gitna nito, biglang tumayo ang suspek at ilang beses na sinaksak ang biktima nang walang babala.
Dahil sa takot, nagsitakbuhan palabas ng bus ang iba pang mga pasahero upang iligtas ang kanilang sarili.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bago pa man mangyari ang krimen, napansin umano ng ilang saksi na pabulong-bulong at tila kakaiba ang kilos ng suspek.
Pagkatapos ng pananaksak, natagpuan pa rin siya ng mga awtoridad malapit sa tulay at tila walang kamalay-malay sa naganap.
Naniniwala ang mga saksi na maaaring may dinaranas na sakit sa pag-iisip ang suspek na posibleng nagtulak sa kanya para gawin ang karumal-dumal na krimen.
Agad namang inaresto ng mga pulis ang lalaki at dinala sa himpilan para sa masusing imbestigasyon.
Batay sa ulat, nagmula sa Baler, Aurora ang bus at patungo sana sa Metro Manila nang maganap ang insidente.
Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng mga otoridad upang malaman ang pagkakakilanlan ng biktima at kung may iba pang salik na nag-udyok sa suspek na pumatay.
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable to one's daily life. These stories are among those that people would be able to learn from every day, and apply them in their own lives. Crimes that happen to ordinary people are also those that many give attention to.

Read also
Babae, patay natagpuan sa loob ng simbahan sa Cebu; pari, pansamantalang ipinasara ang simbahan
In other news, a 47-year-old woman was arrested in Quezon City on four separate warrants for Estafa (fraud) and violation of the Anti-Bouncing Check Law. Her alleged modus operandi involved purchasing millions of pesos worth of high-value goods, including jewelry and meat products, using worthless post-dated checks. One businessman claimed a loss of over P12 million, while another was allegedly swindled out of more than P17 million. The suspect is currently detained as authorities encourage other victims to file additional complaints to strengthen the case.
Still in other news, the Ombudsman directed the NBI and BFP to investigate the DPWH building fire in Quezon City. DPWH confirmed that no documents related to flood control anomaly investigations were affected. The fire reportedly started from a computer explosion inside the Bureau of Research and Standards. No employees were injured, and officials are assessing the extent of the damage.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
