Tricycle driver, arestado matapos umano’y gahasain ang sariling anak sa General Santos City
- Isang tricycle driver sa General Santos City ang inaresto ng NBI matapos ireklamo ng sariling anak sa panggagahasa
- Ang reklamo ay isinampa sa NBI-Sarangani District Office noong Oktubre 22, 2025 sa tulong ng CSWDO
- Ayon sa NBI, natunton ang suspek matapos ang isang oras na surveillance sa palengke ng General Santos
- Nahaharap na ngayon ang suspek sa kasong panggagahasa habang hawak ng mga awtoridad
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang tricycle driver sa General Santos City matapos ireklamo ng sariling anak dahil umano sa panggagahasa.

Source: Facebook
Ayon sa ulat ng NBI-Sarangani District Office (NBI-SARDO), personal na nagtungo ang biktima sa kanilang tanggapan noong Oktubre 22, 2025, kasama ang isang kinatawan mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang magsampa ng reklamo laban sa kanyang ama.
Base sa reklamo ng biktima, ilang ulit umano siyang inasal ng masama ng sariling ama, na ngayon ay isang tricycle driver sa General Santos Public Market. Kaagad namang naglunsad ng manhunt operation ang mga operatiba ng NBI-SARDO upang tugisin ang suspek.

Read also
133 estudyante at teacher mula Lucena, isinugod sa ospital sa Leyte dahil sa umano’y food poisoning
Sa opisyal na pahayag ng NBI, “The operatives quickly proceeded to the target area, and after an hour of surveillance, the suspect arrived and was positively identified by the victim. At this juncture, the NBI-SARDO agents approached the suspect and placed him under arrest.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad na dinala sa opisina ng NBI-SARDO ang lalaki at kasalukuyan nang nakadetine habang nahaharap sa kasong r4pe. Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang kanyang pangalan upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng biktima.
Samantala, tiniyak ng NBI na patuloy silang magbibigay ng tulong legal at sikolohikal sa biktima sa koordinasyon ng CSWDO.
Sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, ang r4pe ay isang serious criminal offense na may kaparusahang reclusion perpetua o habangbuhay na pagkakakulong. Lalong pinabibigat ng batas ang parusa kung ang biktima ay minor at kung ang salarin ay isang magulang, guardian, o taong may awtoridad sa biktima.
Ang ganitong mga kaso ay madalas na inihahain sa pamamagitan ng psychosocial intervention at protective custody, lalo na kapag ang biktima ay menor de edad. Sa mga nagdaang taon, tumataas ang bilang ng mga kasong s3xual abuse na iniuulat sa mga lokal na tanggapan ng NBI at DSWD, kaya’t pinaigting ng mga ahensya ang operasyon laban sa mga karahasan sa tahanan.

Read also
TBA Studios, nagsalita matapos ang kontrobersyal na komento ng apo ni Quezon sa pelikulang ‘Quezon’
Sa isang kahalintulad na kaso, iniulat ng Kami.com.ph na isang 35-anyos na ama ang naaresto matapos ireklamo ng 14-anyos na anak sa umano’y pangmomolestya. Tulad ng insidente sa GenSan, nagsimula ang operasyon matapos mismo ang pormal na reklamo ng biktima, na naging daan sa mabilis na pag-aresto ng mga awtoridad.
Samantala, sa Iloilo City, isang teacher ang inireklamo ng tatlong magulang matapos umanong molestiyahin ang kanilang mga anak sa loob ng paaralan. Ayon sa ulat, inimbestigahan agad ito ng Department of Education at lokal na pulisya upang maprotektahan ang mga estudyante.
Ang dalawang kasong ito, tulad ng nangyari sa General Santos, ay nagpapakita ng mas pinaigting na kampanya ng mga awtoridad laban sa mga krimen na bumibiktima ng mga kabataan sa mismong kanilang tahanan at paaralan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh