Motorcycle rider, dead on the spot matapos magulungan ng isang truck
• Nasawi ang isang motorcycle rider matapos magulungan ng truck sa Taguig City
• Ayon sa truck driver, hindi niya napansin ang motorsiklo at narinig lang ang malakas na kalabog
• Agad niyang itinigil ang sasakyan at doon nakita ang biktima sa ilalim ng truck
• Nahaharap ngayon ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Youtube
Patay agad ang isang motorcycle rider matapos magulungan ng truck sa Santa Maria Drive, Taguig City noong Sabado ng gabi.
Batay sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, hindi na umabot sa ospital ang biktima dahil sa tindi ng tinamong pinsala.
Ayon sa salaysay ng truck driver sa mga pulis, hindi raw niya napansin na may motorsiklo sa kanyang daraanan.
Nalaman lamang niyang may nasagasaan siya nang marinig ang isang malakas na kalabog.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad niyang pinahinto ang truck at bumaba para tingnan kung ano ang nangyari.
Doon niya nakita ang nakabulagtang motorcycle rider sa kalsada.
Kaagad rumesponde ang mga awtoridad at isinailalim sa imbestigasyon ang insidente. Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang driver ng truck na humingi ng paumanhin sa pamilya ng biktima.
Ayon sa mga imbestigador, sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver.
Patuloy pa ring inaalam ng mga pulis ang iba pang detalye ng aksidente, kabilang ang bilis ng truck at posibleng pagkukulang sa pagmamaneho.
Dahil sa insidente, muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga motorista na maging mas maingat lalo na sa gabi at sa mga lugar na mahina ang ilaw.
Panuorin ang ulat sa bidyong ito:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh