Sen. Jinggoy Estrada nagsampa ng kaso laban kay Robby Tarroza

Sen. Jinggoy Estrada nagsampa ng kaso laban kay Robby Tarroza

  • Sen. Jinggoy Estrada nagsampa ng kaso laban sa dating aktor na si Robby Tarroza matapos itong maglabas ng matapang na paratang sa social media
  • Kasabay ng isyu ng umano’y flood control kickback, kinaharap ni Estrada ang panibagong kontrobersiya tungkol sa personal niyang pagkatao
  • Ayon kay entertainment writer Salve Asis, nasa Amerika umano ngayon si Tarroza kaya hindi pa naipapaabot ang demanda
  • Sinabi ni Estrada na hindi na niya maalala si Tarroza at nagulat siya sa biglaang paratang ng dating aktor

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapos masangkot sa isyu ng umano’y anomalya sa flood control projects, isang panibagong kontrobersiya na naman ang pinasok ni Senator Jinggoy Estrada matapos siyang paratangan ng dating aktor na si Robby Tarroza na “bakla at sinungaling.” Dahil dito, nagdesisyon ang senador na magsampa ng kaso laban sa dating aktor bilang tugon sa mga umano’y mapanirang pahayag nito.

Sen. Jinggoy Estrada nagsampa ng kaso laban kay Robby Tarroza
Sen. Jinggoy Estrada nagsampa ng kaso laban kay Robby Tarroza (📷Jinggoy Estrada/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, kasabay ng pagsasampa ng perjury case laban sa dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer na si Brice Hernandez, isinama rin ni Estrada si Tarroza sa kanyang legal action. Ito ay matapos mag-viral ang post ni Tarroza kung saan idinawit niya ang pangalan ng senador sa personal na isyu, kabilang ang umano’y pag-aagaw ng nobyo.

Read also

Inday Barretto, nagsalita na tungkol sa umano’y pang-aabuso ni Raymart Santiago kay Claudine

Sinabi ng entertainment columnist na si Salve Asis, “Maging ang former actor na si Robby Tarroza ay sinampahan na rin ng reklamo ni Sen. Jinggoy. Hindi pa nga lang daw mai-serve ang demanda sa dating actor sa kasalukuyan dahil nasa Amerika ito ngayon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa rito, tila labis ang pagkagulat ni Estrada sa mga akusasyong ito. Sa mga pahayag ng kampo ng senador, lumabas na matagal na niyang hindi kilala o nakakausap si Tarroza kaya’t hindi umano niya maunawaan ang dahilan ng ganitong mga pahayag. Sa kabila nito, nanindigan ang senador na haharapin niya ang lahat ng kasong ibinabato laban sa kanya sa tamang paraan at sa korte.

Matatandaang kasabay ng isyung ito, patuloy pa ring kinakaharap ni Estrada ang mga alegasyon ng korapsyon kaugnay ng flood control “ghost projects.” Sa naunang pagdinig, binanggit ni dating DPWH engineer Brice Hernandez ang pangalan ni Estrada at ilang iba pang opisyal na umano’y nakinabang sa nasabing proyekto.

Mariin namang itinanggi ni Estrada ang paratang at sinabi, “Willing akong buksan ang bank account ko kung kinakailangan,” na sinang-ayunan din ng kapwa mambabatas na si Sen. Joel Villanueva, na nadawit din sa isyu.

Read also

Sen. Villanueva, mariing itinanggi ang pagkakasangkot sa flood control kickbacks

Sa kabila ng mga kontrobersiyang ito, sinabi ni Estrada na patuloy siyang tututok sa kanyang trabaho bilang senador at ipaglalaban ang kanyang pangalan laban sa mga akusasyong walang basehan. Isa rin sa mga pinakabagong development ay ang desisyon ng Sandiganbayan na huwag ipawalang-bisa ang pork barrel case laban sa kanya — isang usapin na ilang taon nang bumabalot sa kanyang pangalan mula pa noong 2014.

Si Jose P. “Jinggoy” Estrada ay anak ng dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at isa sa mga kilalang personalidad na nagmula sa showbiz bago pumasok sa politika. Kilala bilang aktor noong dekada ’80 at ’90, siya ay tumanggap ng mga parangal sa pag-arte bago tuluyang naging senador noong 2004. Ngunit hindi rin siya nakaligtas sa mga kontrobersiya—mula sa pork barrel scam hanggang sa mga bagong alegasyon ng ghost projects. Sa kabila ng lahat, nananatili siyang isa sa mga kilalang pangalan sa larangan ng politika at showbiz sa bansa.


Sa panayam ni Korina Sanchez-Roxas, diretsahan niyang tinanong si Cong. Rodante Marcoleta kung ligtas ba talaga si Sen. Jinggoy Estrada mula sa mga bagong isyung kinakaharap nito. Ayon sa ulat, tinutukoy ni Korina ang mga alegasyon ng korapsyon na muling bumabalot kay Estrada kaugnay ng mga flood control projects. Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng opinyon, hati sa paniniwala kung inosente nga ba o hindi ang senador.

Matapos pangalanan sa expose ng dating DPWH engineer na si Brice Hernandez, agad na nagsampa ng perjury case si Sen. Estrada laban dito. Ayon sa senador, walang katotohanan ang mga paratang at layon lamang nitong sirain ang kanyang reputasyon. Ipinahayag din ni Estrada na handa siyang ipakita ang kanyang mga financial records upang patunayan na wala siyang kinalaman sa sinasabing ghost projects.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate