Sen. Villanueva, mariing itinanggi ang pagkakasangkot sa flood control kickbacks
- Mariing itinanggi ni Sen. Joel Villanueva ang paratang na tumanggap siya ng kickback mula sa flood control projects
- Handa umano siyang buksan ang kanyang bank account bilang patunay ng kanyang pagiging inosente
- Dinepensahan siya ng kanyang ama, JIL founder Eddie Villanueva, at binalaan ang mga nagpapakalat ng akusasyon
- Sa ika-47 anibersaryo ng JIL Church, muling iginiit ni Sen. Villanueva na siya mismo ang unang nagbunyag ng anomalya sa flood control projects
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Mariing pinabulaanan ni Senator Joel Villanueva ang mga akusasyong tumanggap umano siya ng kickback mula sa umano’y anomalya sa mga flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan.

Source: Facebook
Ayon sa senador, walang katotohanan ang mga paratang na ibinato laban sa kanya ni dating DPWH Bulacan assistant district engineer Brice Ericson Hernandez, na nagsabing tumanggap umano ng milyon-milyong piso si Villanueva mula sa proyekto.
Hindi nagpatinag ang mambabatas at iginiit na malinis ang kanyang pangalan. “Handa akong buksan ang aking bank account para patunayan ang aking inosensiya,” diin ng senador.

Read also
Chie Filomeno, emosyonal na naglabas ng sama ng loob laban sa taong umano’y sinisiraan siya
Sa kabila ng mga kontrobersiya, sinabi ni Villanueva na hindi siya uurong at magsasampa siya ng kaso laban sa mga nagkakalat ng maling impormasyon. Aniya, hindi lamang ito tungkol sa kanyang pangalan kundi pati na rin sa integridad ng kanyang serbisyo bilang senador.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa gitna ng mga paratang, agad na dumipensa ang lider ng Jesus Is Lord (JIL) Church at CIBAC Partylist Representative Eddie Villanueva, ama ng senador. Ayon sa kanya, hindi lamang kasinungalingan ang mga akusasyon, kundi malinaw na paninira sa isang lingkod-bayan na tapat sa kanyang tungkulin.
Sa isang pahayag, binalaan ni Bro. Eddie ang mga nagkakalat ng maling impormasyon laban sa kanyang anak. Aniya, “Hindi kami papayag na basta na lang sisiraan ang isang taong matagal nang nagsisilbi nang tapat at may takot sa Diyos.”
Sa pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng JIL Church Worldwide, muling hinarap ni Villanueva ang isyu sa harap ng kanilang mga miyembro. Sa gitna ng kanyang talumpati, tahasang itinanggi ng senador ang anumang kinalaman sa anomalya at sinabing siya mismo ang unang nagbunyag ng iregularidad sa flood control projects ng gobyerno.
“Sino ba ang unang nag-expose ng flood control?” tanong niya sa mga dumalo. Idinagdag pa niya, “Tapos ngayon kasali ka daw, edi wow!” sabay tawa ngunit halatang may bigat ng emosyon ang kanyang tinig.
Ayon kay Villanueva, matagal na niyang tinututukan ang isyu at dati pa niyang binabanggit sa Senado na may mahigit P1.44 bilyong pondo kada araw ang nilalaan sa flood control projects ng pamahalaan. Dahil dito, iginiit niyang hindi lohikal na siya mismo ang masangkot sa korapsyon na dati pa niyang kinondena.
Si Sen. Joel Villanueva, kilala rin bilang “Tesdaman,” ay nagsimulang makilala sa larangan ng public service bilang dating TESDA Director-General bago nahalal bilang senador. Anak siya ni Bro. Eddie Villanueva, ang tagapagtatag ng Jesus Is Lord Church, at kilala sa pagiging outspoken tungkol sa transparency at integridad sa pamahalaan.
Bilang mambabatas, kilala siya sa pagsusulong ng mga panukalang batas para sa kabuhayan, edukasyon, at kapakanan ng mga manggagawa. Dahil dito, marami ang nagulat nang masangkot ang kanyang pangalan sa isyu ng flood control corruption—isang alegasyon na hanggang ngayon ay mariin niyang itinatanggi.
Sa naunang ulat ng KAMI, ipinahayag ni Sen. Villanueva ang kanyang pagkadismaya kay Bamban Mayor Alice Guo matapos ang mga kontrobersiyal na sagot nito sa Senate hearing kaugnay ng POGO operations. Sinabi ng senador na “na-offend” siya at ang sambayanang Pilipino sa tila kawalan ng respeto ng alkalde sa proseso ng imbestigasyon.
Isinulat ng KAMI na humingi ng paumanhin si Sen. Robin Padilla kay Villanueva matapos ang mainit na palitan ng opinyon sa plenaryo. Tinanggap naman ni Villanueva ang paghingi ng tawad at sinabing wala siyang personal na galit laban sa kapwa senador, bagkus ay respeto lamang sa proseso ng diskusyon sa Senado.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh