5 miyembro ng pamilya, patay nang mabagsakan ng puno ang kanilang bahay

5 miyembro ng pamilya, patay nang mabagsakan ng puno ang kanilang bahay

  • Limang miyembro ng isang pamilya ang nasawi sa Quezon matapos mabagsakan ng Buli ang kanilang bahay
  • Naganap ang naturang trahedya habang natutulog umano ang miyembro ng mga pamilya
  • Agad na rumesponde ang lokal na rescue team upang alisin ang mga guho at makuha ang mga biktima
  • Bukod pa rito ay nakausap din ng DZMM Teleradyo si Gov. Helen Tan ukol sa nangyaring trahedya

Isang nakakalungkot na trahedya ang naganap sa Pitogo, Quezon, kung saan 5-miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos mabagsakan ng isang malaking puno ng Buli ang kanilang bahay.

5 miyembro ng pamilya, patay nang mabagsakan ng puno ang kanilang bahay
Photos: Brgy. Secretary Ellaine Agupitan via ABS-CBN News on Facebook
Source: Facebook

Ang buong pamilya ay natutulog umano sa loob ng kanilang bahay nang biglang bumagsak ang Buli tree. Ang bahay, na tila gawa sa magagaang na materyales, ay agad na nagiba at nasira.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at local rescue team sa lugar. Sa mga larawang ibinahagi ng ABS-CBN News, makikita ang pagtutulungan ng ilang mga tao at rescuers sa pag-alis ng puno at ng mga guho ng bahay upang makuha ang mga biktima ng naturang trahedya.

Read also

One-year-old, patay sa sunog pagkatapos pumutok ng ceiling fan sa kwarto

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang makapanayam naman ng DZMM Teleradyo si Helen Tan, ang gobernardor ng Quezon, ibinahagi niya na "on and off" at "light to moderate rains" lamang daw ang nangyayari sa area.

Aniya pa nga ni Gov. Tan sa DZMM Teleradyo, "As per kwento, gusto na nilang pabagsakin yun puno. In fact, sinunog nila yung puno, and siguro they were planning to cut it." Dagdag pa niya sa video, "I asked the situation sa Pitogo, kung may heavy rain, wala naman daw. But dahil sguro weak na yung puno na yun, and sinunog na nila prior to this typhoon, tas lumambot yung lupa because of the rain, and that might have aggravated the condition and yun na, bumagsak siya ng 5:30 AM."

Pagliwanag pa ng gobernador, "very light" daw talaga ang materyales ng bahay, at na tila gawa pa nga ng bamboo ang dingding ng bahay ng pamilya na nasawi dahil sa pagbagksak ng Buli tree.

Read also

Babaeng teacher, binaril ng sariling asawa sa loob ng paaralan sa Tanauan, Leyte

Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay arestado ang 56-anyos na babae sa Sampaloc, Maynila dahil sa pagsusugal. Natuklasan ng pulisya na may lima siyang warrant of arrest sa kasong pagnanakaw. Nakunan siya sa CCTV habang nagnanakaw sa isang fast food restaurant sa Maynila. Target umano ng suspek ang mga estudyante sa University Belt at Sampaloc area.

Samantalang isang babaeng teacher ang binaril ng sariling asawa sa loob ng Tanauan School of Craftsmanship and Home Industries sa Leyte. Nagtamo ng tama ng bala ang biktima at agad na dinala sa ospital para gamutin. Agad namang naaresto ng mga pulis ang suspek matapos ang insidente. Patuloy naman ang imbestigasyon tungkol sa nangyaring krimen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Tags: