One-year-old, patay sa sunog pagkatapos pumutok ng ceiling fan sa kwarto

One-year-old, patay sa sunog pagkatapos pumutok ng ceiling fan sa kwarto

  • Nasawi ang isang-taong-gulang na bata matapos ma-trap sa nasusunog na kuwarto kasama ang kanyang buntis na ina
  • Bumalik ang lola sa loob ng bahay upang sagipin ang anak at apo
  • Pumutok umano ang ceiling fan na naging sanhi ng pagsiklab ng apoy
  • Sa hiwalay na insidente sa Isabela, nasunog ang bahagi ng palengke at umabot sa ₱2 milyon ang pinsala

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Patay ang isang-taong-gulang na babae matapos masunog ang kanilang bahay sa Dagupan City, Pangasinan, ayon sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Ayon sa lolo ng biktima, na-trap sa nasusunog na kuwarto ang bata at ang ina nitong buntis.

Agad namang bumalik sa loob ng bahay ang lola upang subukang iligtas ang anak at apo sa lumalaganap na apoy.

Dinala sa ospital ang bata ngunit binawian ito ng buhay dahil sa matinding paso sa katawan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Patuloy namang nagpapagaling ang kanyang ina matapos magtamo ng third degree burn.

Read also

Babaeng teacher, binaril ng sariling asawa sa loob ng paaralan sa Tanauan, Leyte

Lumabas sa imbestigasyon na pumutok ang ceiling fan sa kuwarto, na malapit sa mga damit at tela.

Dahil dito, mabilis na kumalat ang apoy at tinupok ang silid bago pa man makalabas ang mag-ina.

Samantala, sa bayan ng Jones, Isabela, isang sunog din ang tumupok sa bahagi ng pampublikong palengke kung saan nadamay ang isang grocery store at tindahan ng feeds.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), sanhi umano ng apoy ang short circuit dulot ng faulty wiring. Tinatayang umabot sa halos ₱2 milyon ang halaga ng mga nasirang ari-arian.

Walang naiulat na nasugatan sa insidente, habang patuloy ang paalala ng BFP sa publiko na tiyaking maayos ang mga kable at kagamitang de-kuryente upang makaiwas sa sunog.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

11-anyos na batang lalaki, nasawi matapos tamaan ng kidlat habang nasa loob ng bahay sa Bacolod

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)