Lalaki, patay pagkatapos tagain ng kasama sa inuman

Lalaki, patay pagkatapos tagain ng kasama sa inuman

  • Isang 42-anyos na magsasaka ang nasawi matapos maputulan ng leeg sa Barangay Camingawan, Kabankalan City
  • Nakilala ang biktima na si Sunny Dela Cruz at ang suspek na si Redman Tawtawan, kapwa residente ng lugar
  • Ayon sa pulisya, nagkaroon ng alitan habang nag-iinuman ang dalawa matapos mag-ani
  • Ang suspek ay naaresto ng mga residente at nahaharap ngayon sa kasong murder

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang magsasaka ang nasawi matapos umanong atakihin ng kanyang kasamahan habang sila ay nag-iinuman sa Purok Tamlang, Barangay Camingawan, Kabankalan City, Negros Occidental noong Oktubre 14.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: Original

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sunny Dela Cruz, 42 anyos, kasal, at residente ng Purok Pinamus-an sa nasabing barangay.

Ang suspek naman ay si Redman Tawtawan, 28 anyos, binata, at kapwa magsasaka mula rin sa parehong lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Police Captain Sammy Gasataya, Deputy Chief of Police ng Kabankalan City Police Station, sinabi nitong nag-inuman ang dalawa matapos silang mag-ani at mag-tresher.

Read also

Patay na oarfish, natagpuan sa San Jose, Oriental Mindoro

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Habang tumatagal ang inuman, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Dela Cruz at Tawtawan.

Sinubukan pa umanong awatin ng mga kasama ang dalawa, ngunit nang papauwi na ang biktima, kumuha si Tawtawan ng binangon at dalawang beses na hinampas si Dela Cruz.

Dahil dito, naputol ang leeg ng biktima at nagtamo rin ito ng sugat sa mukha.

Agad na dinala sa ospital si Dela Cruz ngunit idinineklarang dead on arrival.

Ayon pa kay Gasataya, dati nang nagkakaroon ng mga pagtatalo ang dalawa at madalas na hinahamon ng suspek ng labanan ang biktima, bagay na tinitingnan ng mga awtoridad bilang ugat ng krimen.

Nahuli ng mga residente si Tawtawan at kasalukuyang nakakulong sa Kabankalan City Police Station kung saan siya ay sasampahan ng kasong murder.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, naglabas ng saloobin; nanawagan ng tulong

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)