Fetus natagpuan sa loob ng kahon ng sapatos sa tambak ng basura sa Quezon City
- Isang fetus ang nadiskubre sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, Lunes ng gabi
- Natagpuan ito ng lalaking nangangalakal ng basura sa Congressional Avenue Extension
- Ayon sa barangay, nakabalot ang fetus sa tela at isinilid sa kahon ng sapatos at garbage bag
- Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang CCTV footage para matukoy kung sino ang nagtapon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang nakakagulat na tagpo ang natuklasan sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, matapos matagpuan ang isang fetus na nakabalot sa tela, isinilid sa kahon ng sapatos, at nakapaloob sa isang garbage bag sa tambak ng basura nitong Lunes ng gabi.

Source: Facebook
Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes, sinabi na nadiskubre ang fetus sa Congressional Avenue Extension bandang alas-7:20 ng gabi. Ang nakakita ay isang lalaking nangangalakal ng basura na napadaan sa lugar.
“Nangangalkal siya banda roon sa sulok. May nakita siyang nakasupot. Tapos noong in-open niya ‘yung supot, nakita niya na may fetus talaga,” pahayag ni Rhitzel Capili, Duty BPSO ng Barangay Pasong Tamo.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, agad nilang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente upang masimulan ang imbestigasyon. Sa ngayon, sinusuri na ang mga CCTV footage sa paligid upang matukoy kung sino ang posibleng nagtapon ng fetus sa nasabing lugar.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Pinare-review na po namin sa CCTV. Baka kung sakaling may nahagip sila na may nagtapon or may nag-walk in lang na initsa lang diyan,” dagdag ni Capili.
Dakong alas-11 ng gabi nang dumating ang punerarya upang kunin ang fetus para sa wastong paglibing. Patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad ang responsable sa insidente, habang nananawagan ang mga opisyal ng barangay sa publiko na makipagtulungan sa imbestigasyon.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh