Pamilya sa Medellin, Cebu, isinailalim sa psychological aid matapos ang 6.9 magnitude na lindol

Pamilya sa Medellin, Cebu, isinailalim sa psychological aid matapos ang 6.9 magnitude na lindol

⚠️ TRIGGER WARNING: Ang artikulong ito ay may mga ulat tungkol sa mental distress at tangkang pagpapatiwakal. Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng tulong, maaaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 0917-899-8727 o (02) 7989-8727.

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

  • Isinailalim sa psychological first aid ang isang pamilya ng 12 sa Gibitngil, Medellin matapos dumanas ng matinding trauma dahil sa lindol
  • Ang pamilya ay kabilang sa isang relihiyosong grupo at tumigil sa pagkain matapos ang 6.9-magnitude na lindol noong Setyembre 30
  • Ayon sa pulisya, tinangka ng ama ng pamilya na magpatiwakal habang ang iba ay naghayag din ng ganitong balak
  • Kasalukuyang nagpapagamot ang padre de pamilya habang binibigyan ng medikasyon at counseling ang iba pang miyembro

Matinding takot at trauma ang naranasan ng isang pamilya ng labindalawa (12) sa Barangay Gibitngil, Medellin, Cebu matapos ang 6.9-magnitude na lindol na tumama sa hilagang bahagi ng lalawigan noong Setyembre 30, 2025.

Pamilya sa Medellin, Cebu, isinailalim sa psychological aid matapos ang 6.9 magnitude na lindol
Pamilya sa Medellin, Cebu, isinailalim sa psychological aid matapos ang 6.9 magnitude na lindol (📷Wikimedia Commons)
Source: Original

Ayon sa ulat ng Medellin Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula kay Barangay Captain Monina Monato, matapos mapansin na ilang miyembro ng pamilya na kabilang sa isang Christian church ay nagpapakita ng sintomas ng matinding mental distress at nagbabalak na magpatiwakal.

Read also

Teacher at limang estudyante, sugatan sa pagbagsak ng kisame ng classroom sa Davao City

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad rumesponde ang mga tauhan ng pulisya sa pangunguna ni Police Major Manuel Cabanlit, kasama ang Municipal Social Welfare and Services Office (MSWSO) at Rural Health Unit (RHU). Pagdating nila sa lugar, tumambad sa kanila ang kalunos-lunos na sitwasyon — ang pamilya, kabilang ang isang buntis at isang walong taong gulang na bata, ay hindi na kumakain at ayaw nang makipag-usap.

Ayon kay Major Cabanlit, tinangka ng padre de pamilya na saktan ang sarili.

“Ang katong father kuno ni-try gyud, murag naa siyay samad gamay sa liog pero gamay ra kaayo unya nadala dayon sa DRRMO sa ospital...” aniya. Dagdag pa niya, sinabi ng ibang miyembro ng pamilya na gusto rin nilang wakasan ang buhay nila dahil sa matinding takot matapos ang lindol.

Nabatid na simula pa noong Oktubre 1, hindi na kumakain ang pamilya at itinatapon umano sa dagat ang mga ipinapadalang pagkain. Ayon kay Rene Barro, presidente ng grupong relihiyoso na kanilang kinaaniban, nagsimula ang pagbabago ng ugali ng pamilya matapos ang lindol.

Read also

Babae, biglang namatay habang nasa loob ng eroplano sa kalagitnaan ng kanyang international flight

“Hindi na sila nakikipag-usap kahit sa amin. Parang natulala sila,” ani Barro sa ulat.

Ayon kay Janice Sumalinog ng MSWSO, agad nagpadala ng tulong ang RHU ng Medellin at isang medical team mula Maynila upang magbigay ng Psychological First Aid (PFA). Layunin nitong maiwasan ang mas malalang insidente ng pagpapatiwakal at matulungan silang makarekober sa trauma.

Kasalukuyang nananatili sa ospital ang padre de pamilya habang patuloy na minomonitor ang kalagayan ng iba pang miyembro. “Wala kaming natanggap na ulat na may dati silang mental health problem,” pahayag ni Sumalinog. Dagdag pa niya, binigyan na ng mga gamot at counseling ang mga nakitaan ng senyales ng depresyon.

Pinuri naman ng mga netizen ang mabilis na aksyon ng mga lokal na awtoridad at medical team na tumugon bago pa lumala ang sitwasyon. Isa itong paalala, ayon sa mga health workers, na ang mental health ay kasinghalaga ng pisikal na kaligtasan, lalo na sa mga trahedyang tulad ng lindol.

Read also

Tulay sa Alcala, Cagayan bumagsak; 7 sugatan, 3 trak nadamay sa insidente

Sa mga nakalipas na taon, dumarami ang mga kaso ng psychological trauma sa mga lugar na tinatamaan ng kalamidad. Ayon sa mga eksperto, ang takot sa aftershocks, pagkawala ng tahanan, at kawalan ng katiyakan ay maaaring magdulot ng anxiety, insomnia, at suicidal thoughts. Dahil dito, binigyang-diin ng mga awtoridad ang kahalagahan ng early mental health intervention sa mga apektado.

Sa isang hiwalay na ulat ng KAMI, isang babaeng pulis ang nasawi matapos aksidenteng mabaril ang sarili habang naghahanda para sa operasyon. Ayon sa imbestigasyon, posibleng napagkamalan niyang walang bala ang baril. Pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang lahat ng law enforcers tungkol sa kahalagahan ng mental preparedness at proper firearm safety.

Isang lalaki ang nailigtas matapos tumalon mula sa barko papuntang Bohol, ayon sa ulat ng KAMI. Tumanggi umano itong tanggapin ang life ring na inihagis sa kanya, dahilan para sa agarang pag-rescue ng crew. Naging paalala ito sa publiko hinggil sa kahalagahan ng mental health awareness, lalo na sa mga taong dumaranas ng depresyon o pagkalito sa gitna ng problema.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate