Ginang, nanganak sa sidewalk kasunod ng 6.9-magnitude earthquake sa Cebu

Ginang, nanganak sa sidewalk kasunod ng 6.9-magnitude earthquake sa Cebu

  • Isang buntis ang nanganak sa sidewalk matapos ang malakas na lindol sa Cebu
  • Tinulungan siya ng kanyang OB-GYNE team at ni Dr. Queen Grasya sa panganganak
  • Matagumpay ang delivery ng sanggol sa kabila ng panic at evacuation ng mga pasyente
  • Ayon kay Dr. Grasya, ito na ang kanyang ikalawang beses na magpaanak sa kalsada

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang hindi malilimutang pangyayari ang naganap sa Cebu matapos ang 6.9-magnitude earthquake na yumanig sa probinsya nitong Martes. Habang abala ang mga ospital sa paglikas ng mga pasyente at medical staff, isang buntis ang biglang naglabor at nanganak sa gilid ng kalsada.

Ginang, nanganak sa sidewalk kasunod ng 6.9-magnitude earthquake sa Cebu
Ginang, nanganak sa sidewalk kasunod ng 6.9-magnitude earthquake sa Cebu (📷Dr. Queen Grasya via Andrew Ortoño/The Freeman (Facebook)
Source: Facebook

Batay sa ulat ng Freeman, inilikas ang mga pasyente at medical personnel ng Cebu City Medical Center patungo sa Cebu City Fire Station para sa kanilang kaligtasan. Habang nasa kalagitnaan ng evacuation, isang buntis na pasyente na malapit nang manganak ay hindi na nakapaghintay.

Tinulungan siya ng kanyang OB-GYNE team at ni Dr. Queen Grasya, na personal na nagbahagi ng karanasan sa social media. “My 2nd time nakapaanak og dalan. This, I may say, is one of my unforgettable experiences of 2025,” pahayag ng doktora.

Read also

Sa kabila ng kawalan ng kumpletong pasilidad at ang tensyon na dulot ng lindol, naging matagumpay ang delivery ng sanggol. Ligtas ang parehong ina at ang kanyang bagong silang na anak. Ayon pa kay Dr. Grasya, malaking test of faith at presence of mind ang sitwasyong iyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang 6.9-magnitude earthquake na tumama sa Cebu ay naitala ng Phivolcs na may epicenter sa Bogo City. Ayon sa ahensya, ang lindol ay tectonic ang pinagmulan at may lalim na limang kilometro. Malawak ang naramdaman ng pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng Visayas, kung saan umabot pa sa Intensity VII ang lakas ng lindol sa ilang lugar.

Dahil sa tindi ng lindol, ilang mga gusali at estruktura ang nasira, at umabot na sa 60 ang iniulat na namatay. Marami ring pamilya ang napa-evacuate at pansamantalang naninirahan ngayon sa mga ligtas na evacuation centers.

Para kay Dr. Grasya, ang pangyayari ay nagpapaalala na sa kabila ng kalamidad at kaguluhan, nananatiling buhay ang diwa ng pagtutulungan. Hindi rin ito ang unang beses na nakapaanak siya sa kalsada, kaya’t itinuturing niya itong isa sa kanyang pinakatatandaang karanasan bilang manggagamot.

Read also

Ang Cebu ay isa sa pinakamalalaking probinsya sa Visayas at matagal nang sentro ng kalakalan at kultura. Sa kasamaang-palad, dahil sa lokasyon nito, hindi rin ligtas ang lugar sa mga natural na sakuna gaya ng lindol at bagyo. Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ay patuloy na nagbababala sa mga residente tungkol sa posibilidad ng aftershocks matapos ang malakas na lindol.

Samantala, si Dr. Queen Grasya ay isa sa mga kilalang OB-GYNE sa Cebu at kilala na sa kanyang dedikasyon sa serbisyo, kahit pa nasa gitna ng delikadong sitwasyon.

Sa isang ulat ng Kami.com.ph, nag-post ng emosyonal na panalangin si Melai Cantiveros matapos ang nakakatakot na karanasan sa Cebu earthquake. Ipinahayag ng TV host ang kanyang pasasalamat sa kaligtasan ng kanyang pamilya at kapwa Cebuano, at humiling ng lakas para sa lahat ng naapektuhan. Ang kanyang panalangin ay umani ng suporta mula sa fans at kapwa celebrities.

Read also

Samantala, nagbigay naman ng suporta si Aiah Arceta, miyembro ng P-pop girl group na BINI, sa mga kababayang naapektuhan ng lindol sa Cebu. Sa kanyang pahayag, ibinahagi niya ang kanyang malasakit at panalangin para sa mga pamilya at frontliners na patuloy na lumalaban sa kabila ng trahedya. Ang mensahe ni Aiah ay nagsilbing inspirasyon para sa mga Cebuanong dumaraan sa pagsubok.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: