1 estudyante nawawala, 3 nailigtas sa Cotabato City

1 estudyante nawawala, 3 nailigtas sa Cotabato City

  • Apat na 13-anyos na estudyante ang naligo sa ilog sa Barangay Mother Poblacion, Cotabato City matapos klase ngunit biglang lumaki ang tubig
  • Tatlo ang nasagip habang ang isa, kinilalang si alyas Khyla, ay inanod dahil hindi marunong lumangoy ayon sa kanyang ama
  • Agad nagsagawa ng search and rescue ang Cotabato police kasama ang CDRRMO, Philippine Coast Guard, at Marines ngunit patuloy pa ring nawawala ang dalagita
  • Nagpaalala ang mga otoridad sa mga magulang at paaralan na bantayan ang kinaroroonan ng mga bata at magbigay ng safety tips lalo na ngayong tag-ulan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang masayang laro sa ilog matapos ang klase ang nauwi sa matinding trahedya para sa apat na 13-anyos na estudyante sa Cotabato City nitong Huwebes, Setyembre 25, 2025. Habang naliligo sa ilog sa Barangay Mother Poblacion, bigla umanong lumakas ang agos ng tubig matapos ang malakas na ulan sa upland area.

1 estudyante nawawala, 3 nailigtas sa Cotabato City
1 estudyante nawawala, 3 nailigtas sa Cotabato City (📷TeamKanduli Vlog via GMA Regional TV)
Source: Facebook

Sa ulat ng GMA Regional TV, tatlo sa mga dalagita ang nasagip sa rescue operation ngunit isa pa, kinilalang si alyas Khyla, ang kasalukuyang pinaghahanap matapos tangayin ng rumaragasang ilog malapit sa Matampay Bridge.

Read also

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office, marunong lumangoy ang tatlong estudyante kaya nakayanan nilang bumawi kahit biglang lumakas ang agos. Ngunit taliwas dito, hindi marunong lumangoy si Khyla ayon mismo sa ama ng dalagita.

“Doon sa apat na yun, ang tatlo, marunong maglangoy, malamang nung tumaas pa yung river, kinaya nung tatlo, pero unfortunately, itong si alyas Khyla natin, hindi marunong maglangoy, ayon nga sa kanyang papa. So that’s why, ito yung nahagip ng tubig sa river ng Matampay Bridge,” ani Lt. Col. Rochelle Evangelista, tagapagsalita ng Cotabato police.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad upang mailigtas ang mga estudyante. Matapos ang mabilis na aksyon, tatlo ang nailigtas habang isa ang tuluyang nawala sa gitna ng malakas na agos.

Kaugnay nito, pinalawak na ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang search operations katuwang ang Philippine Coast Guard at Philippine Marines Mobile Battalion Landing Team-6. Patuloy ang paghalughog sa mga downstream area upang matunton ang nawawalang bata.

Read also

Kasabay ng insidente, nagpaalala ang pulisya sa mga magulang at teachers na bantayang mabuti ang kinaroroonan ng mga kabataan.

“Sa ating mga magulang, always po nating i-check yung itinerary kung saan man sila pumupunta. Sa mga school natin, pwede nating bigyan ng kaalaman or awareness yung mga student natin. Ibigay po natin yung iba’t ibang safety tips, lalo na itong panahon ng tag-ulan kasi may pagkakataon na yung tubig natin ay biglang tumataas,” dagdag pa ni Evangelista.

Ang Cotabato City ay kilala bilang flood-prone area tuwing tag-ulan, lalo na sa mga bahagi malapit sa mga ilog. Ang Matampay Bridge ay isa sa mga lugar na madalas maka-experience ng biglaang pag-apaw ng tubig galing sa upland areas ng North Cotabato at Maguindanao. Dahil dito, palaging pinapaalalahanan ang mga residente na umiwas sa mga ilog at sapa kapag may malakas na ulan.

Kamakailan lang, isang limang taong gulang na bata ang natagpuang wala nang buhay sa isang kanal sa Ilocos Norte matapos umanong mawala habang naglalaro. Ayon sa pulisya, posibleng inanod ito ng tubig-baha at hindi na nakaligtas. Nagdulot ito ng matinding lungkot sa pamilya at paalala sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak lalo na sa paligid ng mga delikadong lugar.

Read also

Samantala, sa Biliran, isang lolo ang nasawi matapos malunod habang sinusubukan niyang iligtas ang kanyang alagang kalabaw sa kasagsagan ng Bagyong Opong. Ayon sa ulat, tinanggihan ng matanda ang paanyayang lumikas dahil hindi niya raw maiiwan ang kanyang alaga. Nakalulungkot man, natagpuan na lamang siyang wala nang buhay sa binahang sakahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate