Lolo, nalunod matapos tangkaing iligtas ang alagang kalabaw sa gitna ng bagyong “Opong”

Lolo, nalunod matapos tangkaing iligtas ang alagang kalabaw sa gitna ng bagyong “Opong”

  • Isang 68-anyos na lolo ang namatay matapos malunod sa lumubog na sakahan sa Caibiran, Biliran sa kasagsagan ng bagyong “Opong”
  • Ayon sa pulisya, lumabas ang biktima upang hanapin at iligtas ang kaniyang alagang kalabaw na binaha sa kanilang sakahan
  • Natagpuan ang katawan ng biktima ng Caibiran police at Bureau of Fire Protection habang nagsasagawa ng clearing operation
  • Kinumpirma ng Municipal Health Officer na asphyxia ang sanhi ng pagkamatay ng biktima matapos malunod sa biglang pagtaas ng tubig-baha

Tragedya ang sinapit ng isang lolo sa Caibiran, Biliran, matapos siyang malunod habang sinusubukan niyang iligtas ang kaniyang alagang kalabaw sa gitna ng pananalasa ng bagyong “Opong.” Kinilala ang biktima bilang si alyas “Gogoy”, 68, na natagpuang wala nang buhay sa isang binahang sakahan sa Sitio Borin, Villa Vicenta nitong Biyernes ng umaga.

Lolo, nalunod matapos tangkaing iligtas ang alagang kalabaw sa gitna ng bagyong “Opong”
Lolo, nalunod matapos tangkaing iligtas ang alagang kalabaw sa gitna ng bagyong “Opong” (📷Pixabay)
Source: Original

Ayon sa inisyal na ulat ng Caibiran Municipal Police Station (MPS), nagsasagawa ng road clearing operation ang kanilang mga tauhan kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP) nang makita nila ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa baha.

Read also

Base sa imbestigasyon, lumabas si “Gogoy” mula sa kanyang barung-barong kahit matindi ang ulan at hangin. Layunin niyang hanapin at mailigtas ang kanyang kalabaw na pinakapinapahalagahan niya bilang kasama sa sakahan at kabuhayan. Ngunit habang naglalakad siya sa lubog na palayan, biglang tumaas pa ang tubig-baha at tuluyan na siyang inanod.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nang masuri ng Municipal Health Officer (MHO), lumabas na asphyxia o kakulangan ng hangin dahil sa pagkalunod ang sanhi ng kaniyang pagkamatay. Ayon pa sa ulat, una nang pinayuhan ang biktima na lumikas bago pa man lumala ang sitwasyon, pero tumanggi ito dahil hindi umano niya kayang iwan ang alagang kalabaw.

Sa probinsya, karaniwang itinuturing na higit pa sa hayop ang mga alaga tulad ng kalabaw dahil sila ay pangunahing katuwang sa hanapbuhay ng mga magsasaka. Para sa ilang tulad ni “Gogoy,” ang kalabaw ay hindi lang alaga kundi bahagi ng pamilya.

Kaya’t hindi na nakapagtataka na kahit nasa gitna ng panganib ay pinili niyang hanapin at iligtas ito. Sa kasamaang-palad, ang sakripisyong iyon ang nagdala sa kanya sa mapait na wakas.

Read also

Ang bayan ng Caibiran ay isa sa mga lugar sa Biliran na matinding naapektuhan ng bagyong “Opong.” Bukod sa mga pagbaha, maraming residente ang kinailangang lumikas upang makaiwas sa landslide at matinding pinsala sa kanilang mga kabahayan. Sa kabila ng mga babala, may ilan pa ring nanatili dahil sa pangambang maiwan ang kanilang mga alaga at kabuhayan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nasawi dahil sa matinding pagmamahal sa alaga. Sa Cebu, isang lalaki ang pinaslang ng kapitbahay matapos silang magtalo tungkol sa isang alagang kambing. Ayon sa pulisya, nauwi sa karahasan ang alitan hanggang pagtatagain ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa ospital. Ang insidenteng ito ay nagpapatunay kung gaano kalalim ang ugnayan ng tao at kanilang alagang hayop, na minsan ay nauuwi pa sa trahedya.

Samantala, sa Legazpi naman, isang aspin ang namatay sa matinding kalungkutan matapos mamatayan ng amo. Base sa ulat, halos tumigil sa pagkain at tuluyang nanghina ang alaga ilang araw matapos ang pagkamatay ng may-ari. Marami ang naantig sa kwento at muling ipinaalala nito ang hindi matatawarang loyalty at pagmamahal ng mga hayop sa kanilang mga amo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate