Marikina Rep. Marcelino Teodoro, itinanggi ang akusasyon ng 2 lady cops laban sa kanya

Marikina Rep. Marcelino Teodoro, itinanggi ang akusasyon ng 2 lady cops laban sa kanya

  • Marcelino “Marcy” Teodoro, itinanggi ang mga paratang laban sa kanya at sinabing malisyoso at walang basehan ang mga kaso
  • Iginiit niya na politically motivated attack ang mga alegasyon at wala pang pormal na reklamo na natatanggap siya
  • Binanggit ni Teodoro na ayon sa DOJ Circular No. 20, dapat may sapat na ebidensya at legal evaluation bago magsagawa ng preliminary investigation
  • Samantala, ang DOJ ay kinumpirmang dalawang babaeng pulis ang nagsampa ng kaso laban sa kongresista dahil umano sa acts of lasciviousness at rape by sexual assault
MANILA BULLETIN on Facebook
MANILA BULLETIN on Facebook
Source: Facebook

Mariing pinabulaanan ni Marikina 1st District Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro ang mga alegasyon laban sa kanya kaugnay ng dalawang kasong isinampa.

Sa kanyang pahayag noong Setyembre 25, sinabi niyang ang mga paratang ay malisyoso, hindi totoo, at walang sapat na basehan.

Giit niya, mukha itong politically motivated attack at sunod-sunod na atake sa kanyang pangalan. Dagdag niya, hindi pa siya nakatatanggap ng pormal na reklamo kaya wala pa siyang buong detalye tungkol sa mga alegasyon.

Read also

Anne Curtis, nanlumo sa sinabi ni Brice Hernandez sa SBRC hearing: "BAKIT PO?!"

Binigyang-diin din niya na isang alegasyon ay hindi maituturing na ebidensya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nilinaw niya na ayon sa DOJ Circular No. 20 (2023), kailangan munang magkaroon ng case build-up at legal evaluation para malaman kung may sapat na ebidensya bago magsimula ang preliminary investigation.

Nanawagan siya para sa isang impartial at malinis na imbestigasyon upang maprotektahan ang kanyang reputasyon.

Samantala, kinumpirma ng DOJ na dalawang babaeng pulis ang nagsampa ng kaso laban kay Teodoro.

Ayon kay DOJ Spokesperson Jose Dominic Clavano IV, ang mga reklamo ay mula sa mga babaeng pulis na na-assign bilang kanyang close-in security.

Lumalabas na lumabag umano siya sa Article 336 ng Revised Penal Code o acts of lasciviousness sa isang pulis at Article 266-A(2) o rape by sexual assault sa isa pa.

Nanatiling pribado ang pagkakakilanlan ng dalawang nagreklamo para sa kanilang kaligtasan.

Basahin ang pahayag ni Rep. Teodoro ukol dito:

Read also

Heart Evangelista idinetalye ang prenup nila ni Chiz Escudero

Basahin ang artikulo na nilathala ng BALITA dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Marcelino “Marcy” Teodoro is a Filipino politician and educator who currently serves as the mayor of Marikina City. He is known for his hands-on leadership style, especially during floods and other disasters, where he personally oversees rescue and relief operations for affected residents. Before becoming mayor, he was a congressman representing Marikina’s lone district, where he pushed for laws on education and disaster preparedness. Aside from politics, he also worked as a college professor, which shaped his focus on education and youth development in his governance.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Shuvee Etrata, nagsalita na tungkol sa lumang post niya bilang DDS

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: