Ina ng 15-anyos na umano'y nasaksak sa rally sa Mendiola, labis na naghihinagpis
- Emosyonal na humarap ang ina ng 15-anyos na umano'y binawian ng buhay sa kasagsagan ng anti-corruption rally sa Mendiola noong Linggo, September 21
- Labis ang hinagpis ng ina na sinabing wala umanong kapatawaran ang nagawang pananaksan sa anak
- Aniya, sana'y binugbog na lamang ang anak kaysa kitilin ang buhay nito
- Samantala, tinatayang nasa mahigit isang daan ang mga kabataang sangkot sa kaguluhan sa Maynila na hawak pa rin umano ng mga awtoridad
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Labis ang paghihinagpis ni Rusilyn Serbo sa sinapit ng kaniyang 15-anyos na anak na nasawi matapos saksakin sa gitna ng kaguluhan sa Recto Avenue, Manila noong Setyembre 21, 2025.

Source: Facebook
Ayon kay Serbo, nagpaalam lang umano sa kaniya ang anak na lalabas pero hindi sinabing pupunta sa rally, at wala rin aniyang grupo na kinabibilangan ang kaniyang anak.
“Hindi ko siya papayagan kung alam ko lang na pupunta siya sa rally.”
Sa panayam, mariing ipinahayag ni Serbo ang galit at lungkot sa nangyari. Binanggit niya na wala raw dapat na kapatawaran para sa gumawa ng krimen at hiniling na sana’y hindi ipinahamak ang buhay ng kaniyang anak.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Wala pong kapatawaran ‘yung ginawa niya sir. Sana po, kung may nagawa man ‘yung bata… Sana po, binugbog niya na lang, hindi po niya sinaksak, wala po siyang karapatan na ganyanin ang anak ko po na bawian niya ng buhay”
Nagpahayag din siya ng pag-asa na magkakaroon ng hustisya at inalala ang sakit ng pagkawala.
“Matanda na po siya, sana alam niya po kung anong pakiramdam na mawalan ng anak. May anak din po siya sir. Gusto ko po ay hustisya po para sa anak ko.”
Kinondena ng pamilya ang karahasan at nanawagan ng agarang aksyon mula sa mga awtoridad upang madaliang matukoy at mapanagot ang responsable.
“Walang kapatawaran ‘yung ginawa niya sa anak ko.”
Halos makailang ulit na nabanggit ng ina na sana'y binugbog o kinaladkad patungko sa pulis ang kanyang anak sa halip na bawian ito ng buhay
“Hindi na siya maibabalik nang buhay… Kung binugbog niyo nalang sana ‘yan”
Samantala, sa update ni Mayor Isko Moreno ng Maynila, sinabing sumuko na umano ang suspek ng pananaksak sa anak ni Serbo. Kusang loob umano ang pagsuko at sinabing handa raw itong harapin ang pananagutan sa kanyang nagawang kasalanan.
Samantala, narito ang kabuuan ng pahayag ng ina ng biktima mula sa panayam sa kanya ng Jessie Cruzat ng ABS-CBN News:
Setyembre 21, 2025, muling naging sentro ng pagkilos ang Luneta at EDSA People Power Monument matapos magsagawa ng malawakang anti-corruption rally ang mga Pilipino. Kilala ang petsang ito bilang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972 sa ilalim ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at sa bawat taon ay inaalala ito ng iba’t ibang sektor bilang simbolo ng panawagan para sa demokrasya, hustisya, at pananagutan ng pamahalaan. Ngayong taon, naging mas maigting ang kilos-protesta dahil sa lumalaking galit ng publiko sa umano’y anomalya sa halos 9,855 flood control projects ng gobyerno na nagkakahalaga ng tinatayang ₱545 bilyon.
Magugunitang nag-ulat ang Manila Police District ng pagpapatupad at pag-aresto sa mga sangkot; ayon sa ulat, may hindi bababa sa 72 katao ang inaresto kaugnay ng karahasan at paglabag habang may ilang ulat at social media post na nagtuturo ng mas mataas na bilang na umaabot sa tinatayang higit isang daan. Ang bilang ng arestado at eksaktong detalye ay patuloy tinutunghayan ng awtoridad habang iniimbestigahan ang insidente.
Nag-inspeksyon naman si Mayor Isko sa pinangyarihan ng kaguluhan at pinaigting ang koordinasyon ng Manila PIO at pulisya para sa dokumentasyon ng pinsalang naidulot sa mga ari-arian. Inutusan din niya ang mas mahigpit na pagpapatupad ng curfew at public-safety measures sa ilang bahagi ng lungsod.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh