Cong TV, sinagot ang bashers: “Pare-pareho lang tayong ninanakawan”

Cong TV, sinagot ang bashers: “Pare-pareho lang tayong ninanakawan”

  • Binatikos sina Cong TV at Viy Cortez matapos makiisa sa “Trillion Peso March” na ginanap sa EDSA noong Setyembre 21
  • Naglabas ng matapang na pahayag si Cong TV laban sa korapsyon at bumanat sa mga magnanakaw sa gobyerno
  • Si Viy Cortez ay nag-trending matapos i-post ang mga larawan ng rally kalakip ang matapang na linyang “PUTANG INA NAKAW PA”
  • Sa kabila ng pambabash, nanindigan ang mag-asawa na mas mabuti nang magsalita kaysa manahimik at tiniyak na tuloy ang laban

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mainit na usap-usapan online sina Cong TV at Viy Cortez matapos nilang makiisa sa “Trillion Peso March”, isang malaking peace rally na isinagawa kontra sa korapsyon noong Setyembre 21 sa EDSA. Bagama’t marami ang natuwa sa kanilang paninindigan, hindi rin nakaligtas ang mag-asawa sa malalakas na batikos mula sa netizens.

Cong TV, sinagot ang bashers: “Pare-pareho lang tayong ninanakawan”
Cong TV, sinagot ang bashers: “Pare-pareho lang tayong ninanakawan” (📷Cong TV/Facebook)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, nagbahagi si Cong TV ng ilang larawan mula sa rally at nilagyan ito ng matapang na caption:

Read also

Viy Cortez, pumalag matapos ma-bash nang makibahagi sa Trillion Peso March

“Magnanakaw ka tapos gusto mo walang sisita? Hahaha Gago ka ba?”

Ngunit imbes na purihin, ilang netizens ang nagbalik-tanaw sa naging suporta nila ni Viy sa ilang politiko at party-list noong nakaraang eleksyon. Dahil dito, muling binanatan si Cong TV na tila wala raw karapatan na magreklamo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi nagpatalo ang vlogger at mabilis itong sumagot:

“Pag ba magkaiba ba tayo ng sinuportahan nung eleksyon wala ng karapatang magalit sa mga nangyayari sa bansa?”

Dagdag pa niya:

“Sabihin niyo na gusto niyong sabihin. Pare-pareho lang tayong ninanakawan. Mas nakakahiyang manahimik kesa hindi bumoses.”

Samantala, si Viy Cortez naman ay nag-viral nang mag-post ng larawan mula sa rally kung saan makikita ang ilang raliyista na may hawak na plakard. Isa sa mga nakasulat dito ang ginawa niyang caption:

“PUTANG INA NAKAW PA!”

Mabilis na kumalat ang post ni Viy at agad siyang pinutakte ng mga komento. May ilan pang nagkomento ng “GG, sana di ka nalang nagpost haha” at “turn on mo comments mo ate para mamura ka namin.”

Read also

Mga taga-Hagonoy, lumusong sa baha para ipanawagan ang hustisya laban sa korapsyon

Ngunit hindi nagpadaig si Viy. Sa isa pang post, diretsahan niyang sinabi:

“Sa totoo lang natatakot kami mag asawa mag post dahil alam namin na mababalik lahat ng galit sa amin. Pero mas okay na magsalita kesa manahimik! Tatanggapin ko lahat ng panlalait mura at kung ano ano pa. Basta pare parehas tayo ng gusto. matupad ang birthday wish ni Ms Kara David! Hinding hindi ako mag sisisi na sa wakas nagamit ko tong fb ko ng tama! Hindi ko pagsisisihan na nasabi kong PUTANG INA NAKAW PA!”

Sa huli, muling nag-update si Viy at inihayag ang kanyang pagiging handa sa anumang bashing.

“Nababash ako noon, At ngayon nanaman ulit. Tanggap ko ng buong puso dahil alam ko san ako nagkamali. Ang pinagkaiba lang ngayon mas malaya sa pakiramdam. Tuloy ang buhay.”

Sa kabila ng batikos, tila nanindigan ang mag-asawa na ang mas mahalaga ay ang kanilang pakikiisa sa laban kontra katiwalian.

Read also

JM de Guzman, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome laban sa isyung “sugar mommy”

Si Cong TV (Lincoln Velasquez) ay isa sa pinakasikat na content creators sa Pilipinas. Kasama ng kanyang misis na si Viy Cortez, bumuo sila ng pamilya at tinaguriang “Team Payaman.” Kilala sila hindi lamang sa kanilang vlogs kundi pati sa kanilang pagiging impluwensyal sa digital media. Dahil dito, anumang komento nila tungkol sa mga isyung panlipunan ay agad na pinag-uusapan ng publiko.

Cong TV at Viy Cortez’s baby girl, Tokyo Athena, baptized ∣ Kamakailan ay bininyagan ng mag-asawa ang kanilang anak na si Tokyo Athena. Dinaluhan ito ng kanilang pamilya, mga kaibigan, at kapwa Team Payaman members. Marami ang natuwa sa masayang milestone ng kanilang pamilya at pinuri ang pagiging hands-on ng dalawa sa kanilang mga anak.

Cong TV and Viy Cortez throw stunning birthday party for son Kidlat ∣ Nagdaos din si Cong TV at Viy ng engrandeng birthday party para sa kanilang panganay na si Kidlat. Makikita sa mga larawan ang masayang pagtitipon na puno ng dekorasyon at mga laro para sa mga bata. Pinusuan ng fans ang sweetness ng mag-asawa bilang magulang at ang effort nila na gawing espesyal ang okasyon para sa kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate