Pusang mukhang pangkaraniwan, pambihirang klase pala sa buong mundo

Pusang mukhang pangkaraniwan, pambihirang klase pala sa buong mundo

  • Natuklasan sa isang veterinary clinic sa Pangasinan ang napakabihirang male calico cat
  • Tinawag ng beterinaryo ang pusa na “unicorn in the cat world” dahil sa kakaibang genetic makeup nito
  • Ayon sa ulat, isa lamang sa bawat 3,000 calico cats ang nagiging lalaki
  • Ipinagmalaki ng fur parent na masayang-masaya siyang maging may-ari ng rare male calico

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang pambihirang pusa ang nadiskubre sa Pangasinan na agad tinaguriang “unicorn in the cat world.” Ayon sa ulat ni Kuya Kim sa 24 Oras ng GMA News, hindi basta-bastang calico cat ang nakita ng beterinaryo, kundi isang lalaki—isang bagay na halos imposibleng matagpuan.

Pusang mukhang pangkaraniwan, pambihirang klase pala sa buong mundo
Pusang mukhang pangkaraniwan, pambihirang klase pala sa buong mundo (📷GMA News)
Source: Facebook

Ang naturang pusa ay may tatlong kulay ng balahibo: puti, itim, at orange. Karaniwan, ganitong pattern ay makikita lamang sa mga babaeng pusa na kilala bilang calico. Subalit sa pagkakataong ito, laking gulat ng beterinaryo nang malaman na lalaki ang alaga ng fur parent na si Marisol Rodilla.

“Talagang nagulat dahil we didn’t expect to see one. Even the pet parent was surprised na rare pala ‘yung cat. Ito ‘yung tinatawag natin na unicorn in the cat world,” pahayag ni Dr. Glenn Albert Almera, founder at CEO ng Pet Partner Philippines.

Read also

Claudine Barretto, umapela ng respeto para sa ate niyang si Gretchen sa gitna ng mga isyu

Para naman kay Marisol, napakalaking saya ang hatid ng natuklasang ito. “Masayang-masaya po ako noong nakita ko po na meron na akong male calico kaya kineep ko po talaga siya,” masiglang wika niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinaliwanag ni Kuya Kim na isa lamang sa bawat 3,000 calico cats ang lalaki. Ang dahilan ay nakaugat sa genetics.

Para magkaroon ng calico pattern, kailangan ng dalawang X chromosomes. Ang mga babaeng pusa ay may XX, kaya karaniwan silang nagiging calico. Sa kabilang banda, ang mga lalaking pusa ay may XY, dahilan para isa o dalawang kulay lang ang lumabas sa kanilang balahibo.

Ngunit sa iilang pagkakataon, dahil sa genetic anomaly, may mga lalaking pusa na isinilang na may sobrang X chromosome (XXY). Dahil dito, nakakakuha rin sila ng tatlong kulay na makikita sa mga calico cats.

Kadalasan, ang ganitong uri ng genetic mistake ay nagdudulot ng health issues at maikling lifespan para sa mga male calico cats. Kaya naman ikinagalak ni Dr. Almera nang malaman na malusog at matured ang nadiskubreng pusa sa Pangasinan. “It's very rare to see a matured male one. So talagang walang plan. It's just a surprise,” dagdag pa niya.

Read also

Sikat na fashion influencer, pumanaw na sa edad na 23 matapos mawala ng 2 linggo

Sa ulat, binanggit din ni Kuya Kim na sa ibang bansa tulad ng Japan, ang calico cats ay itinuturing na masuwerte. Sinasabing nagdadala sila ng magandang kapalaran sa mga tahanan o negosyo. Kaya naman, para sa mga cat lovers, lalo pang dumagdag ang espesyal na kahulugan ng pagkakatuklas na ito.

Ang mga pusa ay isa sa pinakapopular na alaga sa buong mundo. Kilala sila hindi lamang sa kanilang lambing kundi pati na rin sa mga natatanging kwento tulad ng pambihirang male calico na ito. Madalas ding nagiging bahagi ng balita ang mga pusa, hindi lamang dahil sa cuteness kundi dahil na rin sa kakaibang sitwasyon na kinasasangkutan nila.

Isang ulat mula sa KAMI ang nagbahagi tungkol sa isang pusa na nahuli umanong ginagamit bilang taga-hatid ng droga sa labas ng kulungan. Ayon sa ulat, nadiskubre ng mga awtoridad ang kakaibang gawain matapos makita ang pusa na paulit-ulit bumabalik sa lugar dala ang mga ipinagbabawal na bagay. Ang insidenteng ito ay umani ng matinding reaksyon mula sa publiko at nagsilbing paalala sa mga kakaibang pamamaraan na ginagamit ng ilang grupo. Basahin dito

Read also

Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”

Samantala, isa pang balita mula rin sa KAMI ang tumalakay sa isang Chinese national na nahuling sumipa ng pusa sa Quezon City. Dahil sa insidente, ipinasya ng Bureau of Immigration na siya ay ide-deport matapos mapatunayang overstaying na rin sa bansa. Marami ang nagalit at nagpahayag ng pagkadismaya sa ginawa ng banyaga, at muling pinagtibay ng pangyayaring ito ang panawagan para sa mas maigting na pangangalaga at respeto sa mga hayop

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate