Tuesday Vargas, nanawagan sa kapwa artista na lumahok sa protesta kontra korapsyon

Tuesday Vargas, nanawagan sa kapwa artista na lumahok sa protesta kontra korapsyon

  • Nanawagan si Tuesday Vargas sa kapwa artista na sumali sa mga protesta laban sa korapsyon kaugnay ng imbestigasyon sa flood control projects
  • Nag-post siya ng placard online na may nakasulat na “Lahat ng sangkot, dapat managot,” kalakip ang mga larawan ng ilang matataas na opisyal at kontratista
  • Nanawagan si Vargas na buwagin ang pork barrel at confidential funds bilang panawagan ng pananagutan
  • Dumalo siya sa protesta sa Diliman, Quezon City, habang nakatakda ang iba pang kilos-protesta sa Setyembre 21 sa EDSA at Rizal Park

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nanawagan ang komedyante at TV host na si Tuesday Vargas sa kanyang kapwa artista na manindigan at makiisa sa mga protesta laban sa korapsyon, kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon hinggil sa umano’y iregularidad sa flood control projects.

Photo: Tuesday Vargas IG
Photo: Tuesday Vargas IG
Source: Instagram

Sa isang Facebook post noong Huwebes, Setyembre 18, ibinahagi ni Vargas ang larawan niya na may hawak na placard na may nakasulat.

“Lahat ng sangkot, dapat managot.”

Makikita rin dito ang mga larawan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Pangalawang Pangulo Sara Duterte, dating House Speaker Martin Romualdez, mga Senador Jinggoy Estrada, Bong Go, Joel Villanueva, at kontratistang sina Pacifico “Curlee” Discaya at Sarah Discaya, at iba pa.

Read also

Rowena Guanzon, may matinding banat kay Martin Romualdez sa pagbaba niya bilang House Speaker

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa hiwalay na post, ibinahagi niya ang isa pang art card na may nakalagay.

“Artista ng Bayan Manindigan Laban sa Korapsyon.”

Hinikayat din niya ang publiko na ipanawagan ang pananagutan at sama-samang kumilos.

Aniya, “Panahon na para kumilos iparamdam natin ang ating hinaing at galit sa mga korap at magnanakaw. Artista ng bayan, manindigan laban sa korapsyon! We demand accountability!”

Dumalo rin si Vargas sa protesta sa Diliman, Quezon City noong araw na iyon, na kabilang sa serye ng mga kilos-protesta tulad ng "Misa at Protesta Laban sa Korapsyon" at "Black Friday People’s Protest."

Dalawa pang malaking pagkilos ang nakatakda sa Setyembre 21 sa EDSA at Rizal Park, Maynila.

Tuesday Vargas is a Filipina actress, singer, comedienne, and TV host known for her versatility in both comedy and drama. She first gained recognition in the early 2000s for her comedic roles on television and her appearances in variety shows and sitcoms. With her unique sense of humor and strong stage presence, she became a familiar face in Philippine entertainment, often cast in roles that highlight her wit and comedic timing. Beyond comedy, she has also proven her talent in dramatic roles in both television series and films, showcasing her wide range as an actress.

Read also

Sikat na fashion influencer, pumanaw na sa edad na 23 matapos mawala ng 2 linggo

As previously reported by KAMI in 2023, Tuesday Vargas responded to Rendon Labador's remark that he supposedly doesn't care about their emotions and only wants people to become smarter. Tuesday laid out her thoughts on the matter one by one, including what she called the person's "delusions of grandeur." According to her, he should first help himself achieve clarity and common decency before giving advice to others, with others chiming in too.

Meanwhile, in the same year, Tuesday Vargas made headlines after defending Kakai Bautista. Earlier, she trended on social media after posting that she needs money and not men to be happy. Rendon Labador then insulted Kakai, claiming that the comedienne is greedy and not pretty at the same time. Tuesday eventually penned a lengthy message to Rendon for insulting Kakai. She told him to mind his own business and to realize that beauty is subjective.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)