VP Sara Duterte, inaming siya mismo ang umiwas sa pagkikita kay Leni Robredo
- VP Sara Duterte, ipinaliwanag na hindi siya nakipagkita kay Leni Robredo ngayong Peñafrancia upang iwasan ang batikos
- Inalala niya ang kanilang pagkikita noong nakaraang taon na nauwi sa puna mula sa kampo ni Antonio Trillanes
- Ayon kay Duterte, ayaw niyang maulit na si Robredo ang masisi dahil lamang sa pakikipag-usap sa kanya
- Sa kanyang pagbisita sa Naga, dumalo siya sa misa, Marian Procession, at bumisita sa Porta Mariae Museum
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na sadyang hindi niya hinanap ang pagkakataong makausap si dating Bise Presidente at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo sa taunang pista ng Our Lady of Peñafrancia. Ayon kay Duterte, ang desisyon ay ginawa niya upang hindi muling mabatikos si Robredo gaya ng nangyari noong nagkita sila sa parehong okasyon noong nakaraang taon.

Source: Facebook
“Hindi ko kasi gusto na nagaganon iyong isang former vice president, being a vice president. So for this visit sa Naga City, nagdesisyon ako na huwag na kami magkita para wala nang masabi ang mga tao kay former Vice President Leni Robredo,” pahayag ng pangalawang pangulo sa pagdinig ng House appropriations panel para sa budget ng kanyang tanggapan.

Read also
Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”
Binalikan pa ni Duterte ang kanilang pagkikita noong nakaraang taon sa ancestral house ng pamilya Robredo. Ipinaliwanag niya na bahagi ito ng kanyang tradisyon na bumisita at mag-courtesy call sa mga naging bise presidente. “Noong nagkita kami ni Vice President Robredo sa bahay niya [last year], alam n’yo, hindi naman odd ‘yun kasi binibisita ko talaga ‘yung mga former vice presidents. Nagko-courtesy call ako. Sinasabi ko ano ang nangyayari sa opisina, ano ang projects ngayon. At dahil doon, binanatan siya ng mga kasama niya, particularly [former] senator [Antonio] Trillanes IV,” ani Duterte.
Matatandaang matapos ang kanilang pagkikita noong 2024, pinuna ni Trillanes si Robredo dahil umano sa pakikipagtagpo kay Duterte, na ayon sa kanya ay nakasakit sa mga kaalyado ni Robredo gaya ni Senadora Risa Hontiveros. Sinagot naman ito ni Robredo noon, at sinabing bukas ang pista ng Peñafrancia para sa lahat, anuman ang kulay pulitika.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngayong taon, mas pinili na lamang ni Duterte na umiwas upang hindi na maulit ang parehong sitwasyon. Sa kanyang pagdalaw sa Naga, nakilahok siya sa misa, Marian Procession, at Healing Prayer na may kasamang Manto ng Ina. Ayon pa sa Naga Metropolitan Cathedral, bumisita rin siya sa Porta Mariae Museum bilang bahagi ng kanyang pagdiriwang.
Si Sara Duterte ay anak ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng bansa. Nagsilbi rin siya bilang mayor ng Davao City bago pumasok sa pambansang politika. Kilala siya sa matapang na tindig sa ilang isyung pambayan at sa pagiging isa sa pinakamaimpluwensyang personalidad sa kasalukuyang administrasyon.
Sa isang naunang ulat, nagbigay-pahayag si VP Sara Duterte kaugnay sa kagustuhan ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ma-cremate kung sakaling bawian ng buhay habang nasa Hague. Ayon kay VP Sara, malinaw ang pahayag ng kanyang ama at ito ay isa sa mga seryosong usaping pinaghahandaan ng kanilang pamilya. Ang balitang ito ay nagpatunay sa patuloy na pagtutok ng publiko hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa dating presidente.
Samantala, kamakailan lamang ay pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon na ibasura ang impeachment laban kay VP Sara Duterte. Sa kanyang pahayag, nanindigan siya na mananatiling matatag sa gitna ng mga hamon at pinaalalahanan ang taumbayan na maging mapagbantay laban sa “greedy leaders.” Ang balitang ito ay nagsilbing dagdag lakas ng loob sa kanyang mga tagasuporta at nagpakita ng kanyang paninindigan laban sa mga kritiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh