23-anyos na lalaking nakakaranas umano ng depresyon, minasaker ang sariling pamilya gamit ang maso

23-anyos na lalaking nakakaranas umano ng depresyon, minasaker ang sariling pamilya gamit ang maso

  • Nahuli na ang 23-anyos na lalaki na pumatay sa sariling pamilya sa Malaybalay City
  • Ang suspek ay umamin sa pagpatay gamit ang maso sa ama, ina at nakababatang kapatid
  • Ayon sa imbestigasyon, nagsabing posibleng may depresyon ang suspek dahil sa academic issues
  • Nasa kustodiya na siya ng pulisya at nahaharap sa parricide at murder

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Matapos ang ilang buwang pagtatago, nasakote na ng pulisya ang 23-anyos na lalaki na pumatay sa sarili niyang mga magulang at nakababatang kapatid sa Malaybalay City, Bukidnon noong Mayo 21, 2025.

Naaresto siya sa Barangay 1 matapos magbigay ng tip ang ilang residente noong Setyembre 12.

Nabuhay ang kaba ng mga tao sa lugar habang malaya pang gumagala ang suspek.

Naging usap-usapan ang krimen nang mag-viral ito sa social media, dahilan para lalo silang mangamba sa sariling kaligtasan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umamin ang suspek sa ginawang pagpatay sa 50-anyos na ama, 48-anyos na ina at 14-anyos na kapatid gamit ang isang maso o sledgehammer.

Read also

Isang modelo at adult film aktor, arestado sa umano'y panghahalay sa stepdaughter

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na maaari umanong may depresyon siya. May ilang kakilala ng pamilya ang nagsabing matagal na itong dumadaan sa mabigat na problema.

Sinasabing isa sa mga dahilan ng bigat na dinadala ng suspek ay ang pagkabigo niyang makasabay sa graduation ng kaniyang batchmates sa kursong criminology dahil sa mga problema sa akademiko.

Pinaniniwalaang ito ang nagpalala ng kaniyang pinagdaraanan.

Nasa kustodiya na siya ng mga awtoridad at nahaharap sa mga kasong two counts of parricide at one count of murder.

Patuloy pa ang imbestigasyon para mas malinawan ang ugat ng karumal-dumal na krimen.

Basahin ang artikulo na nilathala ng BALITA dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Lalaking sugatan at nakahandusay sa kalsada, patay matapos makipagbarilan sa 3 armadong suspek

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: