Lalaking sugatan at nakahandusay sa kalsada, patay matapos makipagbarilan sa 3 armadong suspek

Lalaking sugatan at nakahandusay sa kalsada, patay matapos makipagbarilan sa 3 armadong suspek

  • Isang lalaki ang patay matapos makipagbarilan sa tatlong suspek sa San Jose Del Monte, Bulacan
  • Ang isa sa mga suspek ay sugatan at itinakas ng kaniyang mga kasamahan
  • Isa pang 70-anyos na opisyal ng homeowners association binaril at napatay sa Antipolo
  • Ang mga suspek sa parehong kaso patuloy na pinaghahanap ng pulisya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Patay ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa tatlong suspek sa Barangay Graceville, San Jose Del Monte, Bulacan.

Makikita sa CCTV na nakatumba ang biktima sa tabi ng kaniyang motorsiklo habang pilit pang nagpapaputok ng baril.

May isa ring suspek na nakahiga malapit sa isa pang motorsiklo. Dumating ang dalawang kasamahan nito at pinagbabaril pa nang malapitan ang biktima.

Pinilit nilang isakay sa motorsiklo ang sugatang kasama bago tumakas. Ayon sa pulisya, kinuha rin ng mga suspek ang baril ng biktima.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Patuloy silang tinutugis habang iniimbestigahan ang motibo ng insidente.

Sa Antipolo, binaril din at napatay ang isang 70-anyos na opisyal ng homeowners association.

Read also

48-anyos na lalaki, patay matapos 21 beses na pagsasaksakin ng ka-live-in ng kanyang stepdaughter

Nagpapahangin siya ng gulong ng tricycle sa isang vulcanizing shop nang lapitan ng dalawang lalaki at pagbabarilin.

Tumakas ang mga salarin gamit ang motorsiklo. Ayon sa pamilya ng biktima, wala silang alam na kaaway nito at blangko sila sa posibleng motibo.

Magkahiwalay na kaso ang dalawang pamamaril na ngayon ay parehong iniimbestigahan ng pulisya.

Hinahanap pa ang mga salarin sa parehong insidente. Pinaigting ng mga awtoridad ang pagtugis sa mga tumakas na suspek upang mapanagot ang mga ito sa batas.

Panuorin ang ulat sa '24 Oras' ng GMA Integrated News sa YouTube:

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Teacher natagpuang patay sa Datu Odin Sinsuat, nakatali ang kamay at paa

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: