Vico Sotto, napa-‘office table reveal’ matapos mag-viral ang litrato ng bulto ng pera
- Vico Sotto ibinahagi ang kanyang karanasan sa Tri-Com hearing ng House of Representatives
- Mayor umapela ng long-term reforms para maiwasan ang korapsyon tulad ng transparency at monitoring
- Tinawag niyang “Curlee’s Web” ng kasinungalingan ang testimonya ni Curlee Discaya
- Nag-viral din ang kanyang post tungkol sa larawan ng perang ebidensya at simpleng office table niya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling usap-usapan si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos dumalo sa House of Representatives Tri-Com hearing, kung saan nagbigay siya ng kanyang mga obserbasyon at suhestiyon laban sa katiwalian. Sa kanyang Facebook post, detalyado niyang ikinuwento ang naging karanasan at pananaw matapos maimbitahan ng Committee Chair Rep. Terry Ridon.

Source: Facebook
“Thank you for the invitation, which was sent by Committee Chair Rep. Terry Ridon. Nung natanggap ko ang imbitasyon, hindi ko alam kung bakit o kung makakatulong ba talaga ako, pero siyempre pag naimbitahan doon hangga't maaari dapat pumunta ka,” ayon kay Sotto.
Inamin din ng alkalde na kinapos sila ng oras kaya hindi na siya natanong pa ng ibang mga kongresista. Gayunpaman, iginiit niya na bukod sa mga imbestigasyon, dapat ay pag-usapan din sa tamang panahon ang mga pangmatagalang reporma. Kabilang sa kanyang binanggit ay ang pagpigil sa illegal subcontracting, pagpapatupad ng full disclosure sa mga dokumento ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at mas maayos na monitoring sa mga proyekto ng imprastruktura.

Read also
Ex-DPWH engineer, naglabas ng litrato ng umano’y bulto ng pera para sa flood control projects
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Stop widespread + illegal subcontracting; FOI/full disclosure of DPWH documents including POWs, BOQs, DUPAs, and bid docs; DPWH-LGU alignment and coordination; Infrastructure/construction monitoring; PCAB accreditation process,” dagdag pa niya.
Ipinunto rin ni Sotto ang hirap sa pagtukoy kung alin ang totoo dahil sa impluwensya ng malalakas na grupo. “We have to admit that it is becoming increasingly difficult to DISCERN THE TRUTH. There are powerful groups at play here; it's not as simple as we would want to believe,” aniya.
Isa pa sa kanyang tinutukan ay si Curlee Discaya, na tinawag niyang “Clearly caught in his own ‘Curlee’s Web’ of lies.” Dagdag pa rito, nabanggit din niya ang malalakas na ebidensya gaya ng mga litratong ipinakita ng mga DPWH engineers mula Bulacan.
Naalala rin ni Sotto ang mga usap-usapang 20% “SOP” sa mga proyekto noong 2016 at 2017, na ngayon ay mas malinaw na sa publiko. Para sa kanya, ang malawak na kaalaman ng taumbayan tungkol sa isyu ay unang hakbang upang mabawasan ang korapsyon. “Whether you are a student, retiree, or anything in between, we all have a part to play. Keep pushing and keep demanding better,” ani pa niya.
Kasabay ng kanyang mensahe, nagbahagi si Sotto ng larawan ng perang ebidensya at ng kanyang sariling office table. Ang caption niya: “Office table nila. Office table ko. Ang sumalubong sa kin pagkagaling kong Congress.” Muling naging usap-usapan ang pagiging simple at tapat ng mayor.
Si Vico Sotto ay kasalukuyang mayor ng Pasig City at kilala sa kanyang kampanya laban sa korapsyon at tradisyunal na pulitika. Simula nang mahalal noong 2019, naging simbolo siya ng “good governance” at transparency. Malimit din siyang mag-viral dahil sa kanyang diretsong pahayag at pagiging bukas sa publiko tungkol sa mga isyu.
Kamakailan, nagbigay pahayag si Sotto tungkol sa testimonya ni Curlee Discaya. Ayon sa kanya, maraming tao ang kayang magsinungaling sa harap ng publiko. Iginiit ng mayor na hindi dapat basta-basta paniwalaan ang lahat ng naririnig, lalo na kung may mga malalaking interes na nakataya.
Bukod dito, isiniwalat din ni Sotto na si Curlee Discaya mismo ang nag-set ng meeting sa pamamagitan ng kanilang common friend. Inilahad niya ito para linawin ang mga maling alegasyon laban sa kanya. Ang pagbubunyag na ito ay nagdagdag pa sa tensyon at naging trending sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh