Fire trucks, naparesponde sa pekeng sunog; fire volunteers nagbabala laban sa fake reports

Fire trucks, naparesponde sa pekeng sunog; fire volunteers nagbabala laban sa fake reports

  • Apat na fire truck ang agad na rumesponde matapos makatanggap ng ulat na may nasusunog na trailer truck sa loob ng Manila International Container Terminal sa Tondo, Maynila, na kalauna’y natuklasang hindi pala totoo
  • Sa imbestigasyon ng mga fire volunteers, lumabas na ang kumalat na litrato ng nag-aapoy na truck ay AI-generated lamang at walang aktwal na insidente ng sunog sa lugar kaya’t napaaksaya ang oras at resources ng mga bumbero
  • Ayon kay Fire Volunteer Chief Samuel Fenix, napakadelikado ng ganitong uri ng maling impormasyon dahil bukod sa abala, maaari itong magdulot ng aksidente sa kalsada habang nagmamadali ang mga fire trucks papunta sa pinangyarihan ng insidente
  • Binigyang-diin din niya na may pananagutan sa batas ang sinumang nagpapakalat ng ganitong fake reports at maaari silang pagmultahin ng hanggang ₱50,000 upang magsilbing babala at proteksyon sa mga emergency responders at publiko

Nagkaroon ng aberya sa operasyon ng mga bumbero sa Maynila matapos na naparesponde ang apat na fire truck sa Manila International Container Terminal (MICT) dahil sa ulat ng diumano’y nasusunog na trailer truck nitong Huwebes, Setyembre 5.

Read also

Ninakaw na wallet sa Dagupan, ibinalik may kasamang sulat ng sorry pero wala na ang pera

Fire trucks, naparesponde sa pekeng sunog; fire volunteers nagbabala laban sa fake reports
Fire trucks, naparesponde sa pekeng sunog; fire volunteers nagbabala laban sa fake reports (📸: Recto Engine via GO Manila/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Fire Volunteer Chief Samuel Fenix, alas-10:00 ng umaga nang makatanggap sila ng litrato sa kanilang group chat na nagpapakita ng isang nag-aapoy na truck sa Barangay 20, Parola, Tondo. Sa takot na lumaki ang apoy, agad silang nagtungo sa lugar.

Ngunit laking gulat nila nang makitang nakaparada lamang ang naturang truck at walang kahit anong sunog. Sa imbestigasyon, napag-alaman na ang litratong kumalat ay gawa ng artificial intelligence (AI) at hindi totoong kuha.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ani Fenix, “Delikado ang pagpapakalat ng maling impormasyon lalo na kung may kinalaman sa emergency response. Habang nagmamadali ang mga bumbero, pwede itong magdulot ng aksidente at malagay sa peligro ang buhay ng mga tao.”

Dagdag pa niya, umaasa siyang matutukoy at mapapanagot ang utak sa likod ng pekeng ulat. Ipinaalala rin niyang sa ilalim ng batas, ang sinumang mapatunayang nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa sunog ay maaaring pagmultahin ng hanggang ₱50,000.

Ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa paglikha ng mga larawan ay mabilis na sumikat nitong mga nakaraang taon. Gayunpaman, kaakibat din nito ang panganib ng maling impormasyon o tinatawag na “deepfakes.” Para sa mga emergency response team gaya ng mga bumbero, napakalaking problema ang mga ganitong uri ng panlilinlang dahil maaari nitong ilagay sa panganib ang kanilang buhay at ng iba pang motorista sa kalsada kapag sila ay nagmamadali papunta sa pinangyarihang inireport.

Read also

50-anyos na lalaki natagpuang patay sa loob ng abandonadong bahay na nasunog sa Iloilo

Si Chief Fenix at ang kanyang grupo ng volunteers ay aktibong tumutugon sa mga sunog sa Maynila. Ang kanilang trabaho ay nangangailangan ng bilis at tiwala sa impormasyong natatanggap, kaya’t ang maling balita ay maaaring magdulot ng malalang epekto sa operasyon.

Noong nakaraang taon, naging viral ang isang video ng dalawang bumbero na nagpakita ng kabayanihan matapos nilang sagipin ang isang asong na-trap sa nasusunog na bahay. Maraming netizens ang naantig sa eksena at pinuri ang dedikasyon ng mga firefighters na handang isugal ang buhay para mailigtas ang mga alaga ng tao.

Samantala, isang nakakaantig na kwento naman ang lumutang tungkol sa isang pamilya ng pitong anak na naiwan ng kanilang amang firefighter na nasawi. Dahil sa sakripisyo ng kanilang ama, isang estranghero ang nag-abot ng tulong para masuportahan ang mga bata, kabilang na ang isang anak na may malubhang karamdaman. Ipinakita nito kung gaano kalalim ang respeto at pagmamahal ng komunidad sa mga bumbero.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate