BOC nakakita lang ng 2 luxury cars sa raid ng Discaya property
- Dalawang luxury cars lang ang natagpuan ng Bureau of Customs sa raid sa property ng pamilyang Discaya
- Nasa 12 sasakyan ang nakasaad sa search warrant pero karamihan ay hindi nakita sa lugar
- Ang layunin ng operasyon ay alamin kung legal na naipasok sa bansa ang mga sasakyan at kung nabayaran ang tamang buwis
- Na-delay ang raid matapos dalawang beses hindi papasukin ang BOC noong Lunes ng gabi
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Dalawa lang sa 12 luxury vehicles na nakasaad sa search warrant ang natunton ng Bureau of Customs (BOC) sa raid sa property ng pamilyang Discaya nitong Martes. Kinumpirma ito ni BOC Chief of Staff Jek Casipit sa isang panayam, kung saan idinetalye niyang Land Cruiser at Maserati lamang ang kasalukuyang nakita sa lugar.

Source: Facebook
“May nakita kaming dalawang units right now. ‘Yung Land Cruiser at Maserati,” pahayag ni Casipit. Dagdag pa niya, “‘Yung iba hindi namin nahanap. Wala kaming makita rito.”
Ayon kay Casipit, 12 luxury cars ang tinukoy sa search warrant dahil sa kawalan ng customs records. Gayunman, mismong si Sarah Discaya na, anak ng contractor na si Sarah at bahagi ng prominenteng pamilya, ang umamin na mayroong silang 28 luxury cars. Sa ilalim ng search warrant, kabilang sa dapat ma-verify ang mga high-end brands gaya ng Rolls Royce Cullinan, Bentley Bentayga, at Mercedes-AMG G63.
Layunin ng operasyon na matiyak kung legal na naipasok ang mga sasakyan at kung nabayaran ang tamang buwis. Tinukoy rin sa dokumento ang mga modelo gaya ng Cadillac Escalade, Toyota Sequoia, Lincoln Navigator, at Toyota Tundra.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bago pa man maisagawa ang raid, sinabi ni Casipit na dalawang beses silang nagtangkang pumasok sa compound noong Lunes ng gabi ngunit hindi sila pinayagan. Martes ng umaga lang sila nakapasok sa property matapos ipakita muli ang search warrant.
Ang kontrobersya sa pamilya Discaya ay umalingawngaw matapos kumalat online ang kanilang marangyang pamumuhay. Ipinakita sa social media ang mga larawan ng kanilang mga luxury cars, designer items, at engrandeng events na nagdulot ng matinding diskusyon tungkol sa pinagmulan ng kanilang yaman.
Ang pamilya Discaya ay matagal nang nasa negosyo ng construction at kilalang supplier ng ilang government projects. Ngunit matapos sumabog ang isyu, lumaki ang panawagan mula sa publiko at ilang senador na imbestigahan ang kanilang lifestyle. Ayon kay Sarah Discaya, matagal na nilang naipundar ang kanilang kayamanan sa loob ng ilang dekada ng negosyo.
Kamakailan, ipinaliwanag ni contractor Sarah Discaya ang pinagmulan ng kanilang kayamanan at dinepensahan ang marangyang lifestyle ng kanilang pamilya. Ayon kay Sarah, hindi ito biglaan dahil dekada na nilang pinaghirapan ang kanilang negosyo at pag-aari. Iginiit niya na walang dapat ipagtaka sa kanilang mga ari-arian dahil bunga ito ng matagal na pagtatrabaho at investment.
Samantala, inilabas naman ni Senadora Risa Hontiveros ang presyo ng ilan sa mga luxury cars ng pamilyang Discaya sa kanyang opisyal na Facebook page. Ang kanyang post ay nagbigay linaw sa mataas na halaga ng mga sasakyan, na umaabot ng milyon-milyon bawat isa. Naging mitsa ito ng mas mainit pang usapan online tungkol sa transparency, yaman, at pananagutan ng mga pamilya na may ganitong kalibre ng ari-arian.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh