Marcoleta sa contractors ng flood-control projects: “Magturo na kayo"

Marcoleta sa contractors ng flood-control projects: “Magturo na kayo"

  • Hinikayat ni Sen. Rodante Marcoleta ang contractors na ituro ang mga matataas na opisyal sa gobyerno at politiko na sangkot sa flood-control projects
  • Giit ng senador, mas mababa ang pananagutan ng contractors kung makikipagtulungan sila sa imbestigasyon
  • May ilan na umamin kay Marcoleta ngunit takot magsiwalat dahil nanganganib umano ang kanilang buhay at pamilya
  • Naging usapin ang anomalya matapos ibulgar ni Pangulong Bongbong Marcos na may nangyaring korapsyon sa flood-control projects

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Umarangkada na ngayong Lunes, Setyembre 1, ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa kontrobersyal na flood-control projects. Bago magsimula ang pagdinig, hinikayat ni Sen. Rodante Marcoleta ang mga dumalong contractors na magsalita na tungkol sa mga matataas na opisyal at politiko na posibleng sangkot sa maanomalyang proyekto.

Marcoleta sa contractors ng flood-control projects: “Magturo na kayo"
Marcoleta sa contractors ng flood-control projects: “Magturo na kayo" (📸 Voltaire Domingo/Senate Social Media Unit)
Source: Facebook

“Alam namin na mabigat ito. Inaasahan n’yo ba na kayo lang ang magdurusa rito? O kung magturo kayo halimbawa ng may mas malaking pananagutan dito,” ani Marcoleta habang kinakausap ang mga contractors.

Read also

TNVS driver patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Cagayan de Oro

Sa kaniyang talumpati, iginiit ng senador na hindi lang dapat contractors ang masisi kung sakaling may mapatunayan ang imbestigasyon. Tinanong pa niya kung sino sa DPWH (Department of Public Works and Highways), sino sa mga funder, at sino sa mga politiko ang maaaring nasa likod ng anomalya.

Dagdag pa niya, kung makikipagtulungan ang mga contractors ay maaaring mas mababa lamang ang kanilang pananagutan. “Ang magiging liability n’yo lang siguro ay civil damages kung papayag kayo. You indemnified the government. Ibalik ninyo ang perang nawala,” paliwanag ng senador.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngunit binalaan din niya ang mga kontratista: “Para hindi kayo ang magigilitan lang ng leeg, magturo na kayo.”

Aminado si Marcoleta na mayroon nang lumapit sa kaniyang tanggapan at gustong magsiwalat, ngunit natatakot ang mga ito dahil baka malagay sa panganib ang kanilang buhay at pamilya. “Mayroon po talagang sumulat sa amin na nagsasabing gusto na po talaga nilang magtapat ngunit ang sabi nila ‘nanganganib po ang buhay namin at buhay ng aming pamilya,” aniya.

Read also

13 masahista sa Pasay, ninakawan; 2 sa kanila, hinalay pa umano

Ayon sa senador, limitado rin ang magagawa ng komite kung mananatiling tahimik ang mga contractors. “Ngunit hindi po namin alam kung papaano namin kayo matutulungan hangga’t hindi po kayo magsasabi talaga,” diin niya.

Nagsimula ang masusing pagbusisi sa flood-control projects matapos mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang magbunyag ng anomalya noong Hulyo 28. Sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), binanatan ng Pangulo ang mga sangkot at sinabing nakita niya mismo ang resulta ng korap na pagpapatupad ng proyekto.

Inilarawan niya ang iba’t ibang modus gaya ng kickback, SOP, at iba pang raket na nagresulta sa palpak na flood-control projects. “Mahiya naman kayo sa inyong kapuwa Pilipino!” mariing pahayag ng Pangulo.

Magmula noon, naging sentro ng kritisismo ang proyekto lalo na’t bilyon-bilyong piso ang nawaldas, samantalang patuloy na lumulubog sa baha ang maraming lugar sa bansa.

Kamakailan ay tinanggap ni Pangulong Marcos ang pagbibitiw ni DPWH Secretary Manuel Bonoan matapos ang kontrobersya. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, nagbitiw si Bonoan bilang pagpapakita ng pananagutan matapos ilantad ang kapalpakan ng flood-control program. Sa kabila nito, ipinahayag niya na nagsikap ang kaniyang ahensya na ayusin ang mga proyekto ngunit hindi sapat ang naging resulta.

Read also

Source, nilinaw ang isyu ng hiwalayan nina Derek at Ellen: “Pakisabi hindi totoo”

Samantala, isang mainit na eksena rin ang naganap nang makabanggaan ni Sen. Jinggoy Estrada ang isang contractor tungkol sa umano’y ghost projects ng DPWH. Ayon sa contractor, hindi siya makapagsasalita nang deretsahan dahil “baka ma-incriminate” siya. Ang sagot na ito ay nagdulot ng tensyon at lalong nagpalakas sa paniniwala ng publiko na may malalim na anomalya sa flood-control program.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate