DOJ, naglabas ng Immigration Lookout Bulletin laban kina Atong Ang, Gretchen Barretto at 50 iba pa

DOJ, naglabas ng Immigration Lookout Bulletin laban kina Atong Ang, Gretchen Barretto at 50 iba pa

  • Naglabas ang Department of Justice ng Immigration Lookout Bulletin laban sa higit 50 personalidad kabilang sina Charlie “Atong” Ang, Gretchen Barretto, at Retired Lt. Gen. Jonnel Estomo matapos silang pangalanan ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan alias “Totoy” kaugnay ng pagkawala ng ilang sabungeros apat na taon na ang nakalilipas
  • Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakapaloob sa lookout bulletin ang lahat ng pangalan na binanggit ng whistleblower at ipinag-utos na bantayan ng Bureau of Immigration ang kanilang pagpasok at paglabas ng bansa bagama’t hindi ito katumbas ng outright travel ban
  • Kinumpirma ng DOJ National Prosecution Service na tapos na ang pagsusuri sa mga reklamong inihain ng pamilya ng mga nawawalang sabungeros at lumabas na may sapat na basehan upang ituloy ang mas pormal na imbestigasyon laban sa mga nasasangkot na personalidad
  • Ang kasong ito ay patuloy na sinusubaybayan ng publiko dahil nananatiling misteryo ang kapalaran ng mga sabungeros, at kamakailan lamang ay muling nagkaroon ng interes matapos lumutang ang mga skeletal remains sa Taal Lake at ang pagsasampa ng murder charges laban kina Ang at Barretto

Read also

Tricycle, biglang nagliyab sa kalsada sa General Santos; driver nakaligtas

Isang bagong yugto ang umusbong sa kontrobersyal na kaso ng mga nawawalang sabungeros matapos maglabas ang Department of Justice (DOJ) ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa mahigit 50 personalidad, kabilang sina negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, aktres na si Gretchen Barretto, at Retired Lt. Gen. Jonnel Estomo.

DOJ, naglabas ng Immigration Lookout Bulletin laban kina Atong Ang, Gretchen Barretto at 50 iba pa
DOJ, naglabas ng Immigration Lookout Bulletin laban kina Atong Ang, Gretchen Barretto at 50 iba pa (📷Boying Remulla/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang lahat ng pangalang binanggit ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, na kilala rin bilang alias “Totoy,” ay agad isinailalim sa lookout bulletin. “Mayroon na naman tayong lookout bulletin sa lahat. It’s already there… Mga binanggit ni Patidongan– we have issued lookout bulletins already,” pahayag ni Remulla nitong Biyernes.

Dagdag pa niya, may isang personalidad ang nakalabas ng bansa, ngunit hindi pa tiyak kung ito ay nakabalik na. Ang ILBO, ayon sa DOJ, ay hindi nagbibigay ng kapangyarihan upang pigilan ang sinuman na bumiyahe palabas, ngunit layon nitong bantayan ang kanilang galaw—lalo na ang paglabas at pagpasok sa bansa.

Read also

Ex-PNP Chief Torre: “Hindi ako qualified” sa NBI post

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, kinumpirma naman ni DOJ National Prosecution Service prosecutor-general Richard Anthony Fadullon na tapos na ang kanilang pagsusuri sa mga reklamong inihain ng mga pamilya ng nawawalang sabungeros. Ayon sa kanya, may sapat na batayan para ipagpatuloy ang mas pormal na imbestigasyon laban sa mga tinukoy na personalidad.

Nagsimula ang kaso mahigit apat na taon na ang nakalilipas nang sunod-sunod na mawala ang ilang lalaking mahilig sa sabong online at off-cockpit. Ang insidente ay naging laman ng mga balita dahil sa dami ng mga apektado at sa tila kawalan ng malinaw na direksyon ng kaso noong una.

Para sa mga pamilya ng mga nawawala, ang panibagong hakbang na ito ng DOJ ay nagbibigay ng panibagong pag-asa na tuluyan nang matukoy ang katotohanan at mapanagot ang sinumang responsable.

Noong nakaraang buwan, nagsampa ng murder charges ang mga pamilya ng nawawalang sabungeros laban kina Atong Ang at Gretchen Barretto. Sa isinampang reklamo, iginiit nila na sapat na ang mga nakalap na ebidensya at testimonya upang ituring na seryoso ang pagkakasangkot ng mga naturang personalidad. Ayon pa sa kanila, ang matagal na kawalan ng hustisya ang nagtulak para personal silang maghain ng kaso.

Read also

Passenger van inambush sa Maguindanao del Sur: 2 patay, 7 sugatan

Kamakailan lang din ay natagpuan ang 401 human skeletal remains sa Taal Lake, bagay na muling nag-udyok ng matinding diskusyon kung may kinalaman ba ito sa kaso ng mga sabungeros. Bagama’t wala pang pinal na konklusyon mula sa awtoridad, marami ang umaasa na ang mga labi ay makakatulong sa paglutas ng isa sa mga pinakamalaking unsolved cases ng bansa. Ang naturang development ay nagbigay ng panibagong urgency para ipagpatuloy ang masinsinang imbestigasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate