Dalawang sakay ng motorsiklo, patay matapos masagasaan ng trailer truck sa Cebu South Coastal Road
- Dalawang kabataan ang nasawi matapos masagasaan ng isang trailer truck habang sakay ng motorsiklo sa Cebu South Coastal Road, Cebu City nitong Biyernes, Agosto 29, 2025
- Kinilala ang mga biktima bilang 22-anyos na driver at ang 21-anyos na babae na angkas na kapwa nagulungan ng truck matapos sumalpok ang motorsiklo sa gilid nito
- Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bigla umanong lumipat ng linya ang motorsiklo mula sa middle lane patungo sa direksiyon ng truck na nasa inner lane, dahilan upang matumba ang mga biktima
- Hawak na ngayon ng Traffic Enforcement Unit ang truck driver at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isa na namang malagim na aksidente ang naganap sa kalsada matapos masawi ang dalawang sakay ng motorsiklo sa Cebu South Coastal Road, partikular sa panig ng Cebu City, nitong Biyernes ng umaga, Agosto 29, 2025.

Source: Facebook
Ayon sa ulat, kapwa walang buhay ang bumagsak sa kalsada ang 22-anyos na driver ng motorsiklo at ang 21-anyos na babae na kanyang angkas matapos silang magulungan ng isang trailer truck na noon ay may kargang container van.
Batay sa imbestigasyon, bandang alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente. Ang truck ay bumabagtas sa inner lane habang ang motorsiklo ay nasa middle lane. Gayunpaman, biglang umanong nag-maniobra ang motorsiklo papunta sa truck, dahilan upang tumama ito sa gilid ng sasakyan. Dahil sa lakas ng impact, parehong nahulog ang dalawang sakay ng motor at agad na nagulungan ng truck.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital, subalit idineklara silang dead on arrival. Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Traffic Enforcement Unit ang driver ng truck para sa kaukulang kaso.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bagama’t hawak na ng mga pulis ang driver ng trailer truck, kailangan pa ring tukuyin ng imbestigasyon kung siya ba ay may pananagutan sa pagkamatay ng dalawang sakay ng motorsiklo. Maaaring kaharapin nito ang kasong reckless imprudence resulting in h0micide—isang seryosong kaso na kalimitang isinasampa laban sa mga driver na sangkot sa aksidenteng nagdulot ng pagkamatay.

Read also
Delivery rider, pilit sinasalba ang lumubog na bisikleta sa abot-baywang na baha sa Maynila
Depende sa magiging resulta ng pagsisiyasat, maaaring makalabas ang driver kung mapatunayang walang tuwirang kapabayaan sa kanyang panig. Ngunit kung makikita ng korte na may paglabag siya sa batas-trapiko, maaaring humarap siya sa matagal na kaso at posibleng pagkakakulong.
Ang mga aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga motorsiklo at malalaking sasakyan gaya ng truck ay madalas na nagiging trahedya. Dahil maliit at mahina ang proteksyon ng motorsiklo, ang mga rider at angkas nito ang laging pinakamalubhang naaapektuhan. Sa mga nakaraang taon, patuloy ang panawagan ng mga safety groups para sa mas istriktong pagpapatupad ng helmet laws, lane discipline, at mas mahigpit na monitoring sa malalaking truck na dumaraan sa mga pangunahing kalsada.
Hindi ito ang unang pagkakataon na isang trahedya ang naganap sa Cebu dahil sa banggaan ng truck at motorsiklo. Kamakailan lamang, isang 13-anyos na estudyante ang nasawi matapos siyang masagasaan ng isang truck sa Mandaue City. Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng truck nang tamaan ang estudyante na pauwi mula sa eskwelahan. Ang insidente ay nagdulot ng panawagan mula sa publiko para sa mas ligtas na mga kalsada para sa mga kabataan.
Sa Laguna naman, isang matandang tindera ang nasawi matapos araruhin ng isang dump truck ang kanyang bahay sa Barangay Paagahan, Mabitac. Kinilala ang biktima na si Jocelyn De Lumen, na noon ay nag-aayos lamang ng kanyang tindahan nang salpukin ng nawalan ng preno na truck ang kanilang tahanan. Dalawa sa kanyang apo ang sugatan sa insidente habang pinaghahanap pa rin ang tumakas na driver ng truck.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh