Isang estudyante patay matapos makuryente sa Samal; LGU at NORDECO naglabas ng pahayag

Isang estudyante patay matapos makuryente sa Samal; LGU at NORDECO naglabas ng pahayag

  • Dalawang estudyante sa Samal Island nakuryente matapos mahawakan ang nakalaylay na kable sa loob ng eskwelahan
  • Isang 14-anyos na estudyante ang nasawi habang ang isa ay sugatan sa insidente noong Agosto 19, 2025
  • Mayor Lemuel Reyes naglabas ng kautusan laban sa “spaghetti wires” at ipinag-utos ang inspeksyon sa lahat ng barangay
  • NORDECO nilinaw na ang kable ay mula sa telecom provider at hindi pag-aari ng kanilang kooperatiba

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang trahedya ang naganap sa Samal Island matapos makuryente ang dalawang estudyante sa loob ng Mambago-B National High School noong Agosto 19, 2025. Sa ulat ng pulisya, parehong nakahawak ang mga biktima—edad 14 at 15—sa isang live wire. Isang 14-anyos ang nasawi habang sugatan naman ang kanyang kaklase.

Isang estudyante patay matapos makuryente sa Samal; LGU at NORDECO naglabas ng pahayag
Isang estudyante patay matapos makuryente sa Samal; LGU at NORDECO naglabas ng pahayag (📷AI-generated)
Source: Original

Dahil sa pangyayari, agad na kumilos ang lokal na pamahalaan. Noong Agosto 27, 2025, inilabas ni Samal Island Mayor Lemuel Reyes ang isang kautusan na nagmamandato ng inspeksyon, monitoring, reporting, at abatement ng lahat ng hazardous wires at spaghetti cables sa lungsod.

Read also

401 human skeletal remains, natagpuan sa Taal Lake kaugnay sa kaso ng missing sabungeros

“Spaghetti wires or dangling cables not only have become an eyesore which divest the city of its tropical and natural beauty, but also, pose safety and health hazard among residents, which may cause fire, accidents, and disasters,” ayon sa pahayag ng alkalde.

Binibigyang-diin ng kautusan ang papel ng bawat barangay sa pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko. Inaatasan din ang lahat ng utility companies at internet providers na sundin ang minimum vertical clearance at makipagtulungan sa operasyon ng barangay at city government.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“It is apparently observed that various utility/service/internet providers had been practicing improper and indiscriminate installation of communication lines, wires, and internet cables resulting in so-called ‘spaghetti wires’ or dangling cables along the streets, sidewalks, alleys, and public roads in the city,” dagdag ng kautusan.

Samantala, sa gitna ng imbestigasyon, nilinaw ng Northern Davao Electric Cooperative, Inc. (NORDECO) na hindi kanila ang kable na naging sanhi ng insidente. Ayon sa kanilang pahayag na inilathala ng GMA Super Radyo Davao, natukoy sa joint investigation ng LGU, NORDECO, at City Public Safety Office na isang “tire wire” na tinali ng isang telecom provider sa fiber-optic cable ang naging sanhi ng grounding.

Read also

59-anyos na lalaking magwi-withdraw lang sana, patay matapos magulungan ng 22-wheeler truck

Ang wire umano ay dumikit sa linya ng streetlight na nakakabit sa poste na may kasamang internet cables. Dahil dito, nagkaroon ng contact sa insulated wires sa loob mismo ng paaralan, na naiwan pang nakabitin.

Nagpahayag ng pakikiramay ang NORDECO sa pamilya ng nasawing estudyante at humingi rin ng paumanhin sa pamilya ng sugatang mag-aaral.

Matapos ang ilang araw na suspensyon ng klase, nakabalik na ngayong linggo ang face-to-face classes sa Mambago-B National High School. Kinumpirma ng City Engineering Office na pasado na ang eskwelahan sa stability, electrical at mechanical safety, sanitation, at fire protection standards.

Ang pagkamatay ng estudyante sa Samal ay muling nagbukas ng usapan tungkol sa panganib na dulot ng nakalaylay na mga kable sa mga kalsada at pampublikong lugar. Ang tinaguriang “spaghetti wires” ay matagal nang reklamo ng mga residente dahil bukod sa pangit tingnan, nagiging sanhi rin ito ng sunog, aksidente, at ngayon, pagkasawi ng buhay.

Read also

12 pulis, kinasuhan matapos mamatay ang lalaki sa convenience store incident sa Pasay

Hindi ito ang unang ulat ng insidente na may kinalaman sa kuryente. Sa isang naunang report ng KAMI, isang health worker sa Bulacan ang nasawi matapos makuryente sa binahang health center. Habang tumutulong umano ito sa gitna ng baha, aksidenteng nakuryente ang biktima dahil sa electrical hazard sa loob ng gusali.

Sa isa pang insidente, iniulat ng KAMI na isang 77-anyos na babae ang pumanaw habang nasa kalagitnaan ng heart surgery matapos mawalan ng kuryente ang ospital. Dahil sa kawalan ng stable power supply, naapektuhan ang operasyon na kanyang isinasailalim, at hindi na ito nailigtas ng mga doktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate