Ex-PNP Chief Torre: “Hindi ako qualified” sa NBI post
- Tatlong buwan pa lang bilang PNP Chief nang i-relieve si Nicolas Torre III sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos
- Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, itinalagang officer-in-charge ng PNP
- DILG Sec. Jonvic Remulla iginiit na walang kaso o paglabag si Torre at maayos ang relasyon sa administrasyon
- Torre umamin na di siya kwalipikado bilang NBI chief dahil sa requirement ng 15 taong law practice
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mainit na pinag-usapan ang biglaang pag-relieve kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III na halos tatlong buwan pa lang nakaupo bilang hepe ng pambansang pulisya. Dahil dito, lumutang ang mga espekulasyon kung ano ang susunod na puwesto na maaaring ibigay sa kanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Source: Youtube
Isa sa mga lumitaw na usapan ay ang pagiging pinuno ng National Bureau of Investigation (NBI). Gayunman, agad itong nilinaw mismo ni Torre. “Hindi ako qualified,” pahayag niya sa isang panayam na iniulat ng ABS-CBN News. Ayon sa batas, tanging mga abogado na may hindi bababa sa 15 taon ng law practice ang maaaring italaga bilang NBI director.
Matatandaan na ipinalabas mula sa Malacañang ang utos na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para i-relieve si Torre. Walang binanggit na dahilan ang Palasyo sa naging pasya ng Pangulo, kaya’t marami ang nagulat at nagtaka sa nangyari.
Sa ngayon, si Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez ang nagsisilbing officer-in-charge (OIC) ng PNP. Dating second-in-command si Nartatez at isa rin sa mga pinagpilian bilang kapalit ng nagretiro na si dating PNP Chief Rommel Francisco Marbil.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, nilinaw ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na walang kinasasangkutang kaso o paglabag si Torre. Ayon sa kanya, nanatiling “great” ang relasyon ng dating PNP chief sa administrasyon. Idinagdag din niya na desisyon lamang ito ng Pangulo para dalhin ang PNP sa “ibang direksyon.”
Bukod pa rito, sinabi ni Remulla na narinig niyang may posibleng bagong posisyon na nakalaan para kay Torre. Kinumpirma naman ng Malacañang ang usapan ukol dito, ngunit hindi nagbigay ng detalye kung anong posisyon ito.

Read also
59-anyos na lalaking magwi-withdraw lang sana, patay matapos magulungan ng 22-wheeler truck
Nang tanungin kung nakausap na ba niya ang Pangulo, tumanggi si Torre na magbigay ng diretsong sagot at sinabing, “Let’s just wait. Masyado namang nauna ang karuwahe dyan. ‘Pag tatanggapin o hindi eh wala pa ngang announcement.” Sa kabila ng mga pangyayari, binigyang-diin niya na nananatili ang kanyang suporta kay Marcos.
Sa usapin naman ng kanyang pagka-relieve, simple lamang ang naging tugon ng dating opisyal: siya ay isang “good soldier” na handang sumunod sa utos ng commander-in-chief.
Bago ang kanyang maikling termino bilang PNP Chief, matagal nang nagsilbi si Nicolas Torre III sa iba’t ibang sangay at posisyon sa pulisya. Kilala siya bilang isang disiplinadong opisyal na may mahabang karera sa serbisyo. Sa kabila ng mabilis na pagtatapos ng kanyang liderato sa PNP, nananatili siyang bukas sa anumang bagong hamon sa loob ng gobyerno.
Kamakailan, iniugnay ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang pagkaalis kay Torre sa isang umano’y “anti-Duterte campaign.” Ayon kay Baste, hindi lamang simpleng reorganisasyon ang nangyari kundi bahagi ng mas malawak na plano laban sa kanilang pamilya.
Samantala, sa pamamagitan ng social media, nagsalita rin si Torre matapos siyang i-relieve. Sa kanyang post, sinabi niyang patuloy pa rin ang kanyang suporta kay Pangulong Marcos at tinanggap niya ang desisyon bilang isang “good soldier.” Pinili rin niyang huwag nang makisali sa mga espekulasyon at nagpahayag ng pasasalamat sa pagkakataong makapagsilbi.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh