Passenger van inambush sa Maguindanao del Sur: 2 patay, 7 sugatan

Passenger van inambush sa Maguindanao del Sur: 2 patay, 7 sugatan

  • Dalawa ang nasawi kabilang sina alias “Datu Masla” at alias “Alan” habang pito ang sugatan matapos pagbabarilin ang isang passenger van na may sakay na 16 katao sa Barangay Bagan, Guindulungan, Maguindanao del Sur
  • Ayon sa pulisya, nagawa pang imaneho ng driver ang sasakyan hanggang sa Datu Saudi Ampatuan Municipal Police Station kahit walang tama ng bala upang makapagsumbong at makahingi agad ng tulong
  • Si Datu Masla ay idineklarang patay pagdating sa police station habang si Alan naman ay dead on arrival sa ospital, at walong iba pang biktima ang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan
  • Tinututukan ngayon ng mga awtoridad ang posibleng koneksyon ng pananambang sa rido o away-pamilya ngunit nilinaw na hindi pa opisyal na validated ang motibo ng krimen habang nagpapatuloy ang imbestigasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Madugo ang sinapit ng mga pasahero ng isang van matapos itong tambangan sa Barangay Bagan, Guindulungan, Maguindanao del Sur, bandang alas-7 ng gabi noong Lunes, Agosto 25, 2025. Ayon sa Maguindanao del Sur Police Provincial Office, sakay ng van ang 16 katao na pawang pauwi na sa Sultan sa Barongis nang biglang pagbabarilin ang kanilang sinasakyan.

Read also

Mister sinaksak ang misis sa Cainta dahil sa matinding selos, tumakas matapos ang krimen

Passenger van inambush sa Maguindanao del Sur: 2 patay, 7 sugatan
Passenger van inambush sa Maguindanao del Sur: 2 patay, 7 sugatan (📷Wikimedia Comons)
Source: Original

Dalawa ang agad na nasawi na kinilalang sina alias Datu Masla at alias Alan. Si Datu Masla ay idineklarang patay nang makarating sa police station, samantalang si Alan ay dead on arrival sa ospital. Pito naman ang sugatan at kasalukuyang ginagamot matapos ang insidente.

Sa ulat ni Capt. Guiseppe Tamayo, tagapagsalita ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, nakaligtas ang driver ng van at nagawa pang dalhin ang sasakyan sa Datu Saudi Ampatuan Municipal Police Station. “Nung time na sila ay pinagbabaril sa Brgy. Bagan, nagawa pang imaneho ng driver kasi wala siyang tama at nadala niya at nakahingi ng tulong doon sa ating Datu Saudi Ampatuan Municipal Police Station kaya agarang naaksyunan at nadala sa ospital itong ating mga biktima,” pahayag ni Tamayo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang nagpapatuloy ang pagtugis sa mga suspek, tinitingnan ng awtoridad ang posibilidad na konektado ang pananambang sa rido o matagal nang alitan ng pamilya sa lugar. “Hindi pa official na makapagbigay ng statement yung ating kapulisan patungkol diyan hangga’t di pa natin nava-validate,” dagdag pa ni Tamayo.

Read also

Lolong taga-Davao del Norte tinaga si misis, sinunog ang bahay, at nagtangkang wakasan ang buhay niya

Ang rido o clan feud ay isang matagal nang isyu sa ilang bahagi ng Mindanao kung saan nag-uugat ang karahasan mula sa personal na alitan, lupa, pulitika, o agawan ng impluwensiya. Marami nang buhay ang nawala dahil sa gantihan sa pagitan ng mga pamilya at ang mga insidente ng ambush ay isa sa pinakakaraniwang paraan ng pag-atake. Kadalasang naaapektuhan hindi lamang ang mga sangkot kundi maging ang mga inosenteng sibilyan.

Noong Hulyo 2025, isang municipal engineer sa Shariff Aguak ang pinaslang matapos tambangan ng mga armadong lalaki. Kinilala ang biktima bilang si Engineer Mohaimen Puti na agad binawian ng buhay dahil sa dami ng tama ng bala. Ang insidente ay nagdulot ng matinding takot sa komunidad at muling nagpaalala ng panganib ng mga pamamaslang sa lugar. Basahin ang detalye: Municipal engineer ambushed, killed in Shariff Aguak

Samantala, tatlong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan matapos ang isang pananambang sa Maguindanao. Ayon sa ulat, pinagbabaril ang kanilang sasakyan ng mga hindi pa nakikilalang salarin. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at ang mga responsable

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate