Lolo, tinaga si misis, sinunog ang bahay at nagtangkang magpakamatay sa Davao del Norte

Lolo, tinaga si misis, sinunog ang bahay at nagtangkang magpakamatay sa Davao del Norte

  • Isang 69-anyos na lalaki sa Barangay Linao, San Isidro, Davao del Norte ang tinaga ng itak ang kanyang 65-anyos na asawa matapos ang umano’y matinding pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan
  • Matapos ang pananakit, sinilaban umano ng suspek na si “Nonong” ang kanilang bahay, saka naman sinaksak ang sarili at uminom pa ng lason sa tangkang wakasan ang kanyang buhay
  • Agad namang isinugod ng mga kapitbahay ang biktimang si “Ining” sa ospital para malapatan ng lunas, habang ang suspek ay dinala rin sa ospital upang maisalba matapos ang kanyang ginawang pananakit sa sarili
  • Sa kasalukuyan, parehong nagpapagaling ang mag-asawa at pinaghahandaan ng suspek ang mga kasong maaaring isampa laban sa kanya kabilang ang attempted h0micide at arson ayon sa pulisya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

San Isidro, Davao del Norte – Isang nakakaalarma at marahas na insidente ang naganap sa Barangay Linao kung saan parehong sugatan ang mag-asawang senior citizen matapos ang away na nauwi sa pananakit, sunog, at tangkang pagpapakamatay.

Read also

Babae sa Davao City kinagat ng sawa habang mahimbing na natutulog

Lolo, tinaga si misis, sinunog ang bahay at nagtangkang magpakamatay sa Davao del Norte
Lolo, tinaga si misis, sinunog ang bahay at nagtangkang magpakamatay sa Davao del Norte (📷Pexels)
Source: Facebook

Sa ulat ng San Isidro Municipal Police Station, nakilala ang suspek bilang si alias Nonong, 69, at ang kanyang asawa na si alias Ining, 65. Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa pananakit. Tinaga umano ni Nonong ang kanyang asawa ng ilang ulit gamit ang itak, dahilan upang magtamo ito ng mga sugat.

Agad namang rumesponde ang mga kapitbahay at isinugod si Ining sa ospital para malapatan ng agarang lunas. Samantala, matapos ang pananakit, sinilaban umano ng suspek ang kanilang bahay at sinaksak ang sarili bago pa umano uminom ng lason.

Dahil dito, dinala rin siya sa ospital upang maligtas ang kanyang buhay. Sa ngayon, parehong nagpapagaling ang mag-asawa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya. Posibleng kaharapin ni Nonong ang kasong attempted h0micide at arson, depende sa magiging resulta ng pagsusuri at testimonya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang kasong attempted h0micide ay maaaring kaharapin ng sinumang suspek na nagtangkang pumatay ngunit hindi nagbunga ng kamatayan. Sa ilalim ng Revised Penal Code, maaari itong parusahan ng pagkakakulong depende sa bigat ng pinsalang natamo ng biktima. Bukod dito, ang arson o panununog ay isa ring mabigat na kaso na may kaakibat na mahabang sentensya. Sa sitwasyon ni Nonong, dalawang mabibigat na kaso ang maaaring isampa laban sa kanya, at maaari rin siyang harapin ang mga civil damages dahil sa pinsalang idinulot.

Read also

Lolang biktima ng hit-and-run sa Marikina, sugatan

Sa Nueva Ecija, isang 53-anyos na mister ang napabalitang pumatay sa kanyang asawa dahil umano sa matinding selos. Ayon sa ulat, sinabit pa umano ng suspek ang bangkay ng kanyang misis sa puno matapos ang krimen. Ang kaso ay nagdulot ng matinding takot at pagkabigla sa mga residente sa kanilang lugar. Basahin ang buong balita rito

Samantala, sa Pangasinan, isang ama at madrasta ng isang pitong taong gulang na bata ang inaresto kaugnay ng pagkamatay ng menor de edad. Ayon sa imbestigasyon, parehong sangkot ang dalawa sa marahas na krimen na ikinabahala ng buong komunidad. Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso upang makuha ang kabuuang detalye sa pangyayari

Ang mga insidenteng ito, kabilang ang nangyari kina Nonong at Ining sa Davao del Norte, ay malinaw na paalala na ang marahas na pagtatalo sa pamilya ay may kakila-kilabot na kahihinatnan. Sa halip na umabot sa ganitong trahedya, mahalaga ang agarang paghingi ng tulong mula sa barangay, pulisya, o mga institusyon na nakatuon sa domestic dispute upang maiwasan ang mas malalang pangyayari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate