53-anyos, napatay sa selos si misis; sinabit umano bangkay ng asawa sa puno

53-anyos, napatay sa selos si misis; sinabit umano bangkay ng asawa sa puno

  • Arestado sa Baras, Rizal ang 53-anyos na lalaki na wanted sa kasong parricide matapos umanong patayin ang asawa noong 2009 dahil sa selos
  • Ayon kay PMaj. Roberto Papa, sinakal ng suspek ang kanyang misis at isinabit sa puno gamit ang alambre upang pagtakpan ang krimen
  • Matapos ang insidente, biglang naglaho ang akusado at nagtago sa Bicol sa loob ng 16 na taon bago muling bumalik sa Baras
  • Naaresto siya ng tracker team ng Baras Police noong August 15, 2025, at itinuturing bilang Most Wanted Person sa regional level

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Arestado ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa kasong *parricide* sa Baras, Rizal matapos umanong patayin ang kanyang asawa dahil sa selos.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: Getty Images
“Ang atin pong akusado kaya siya naakusahan ng parricide dahil po sa pagpatay niya sa kanyang misis,” pahayag ni Police Major Roberto Papa, Officer-In-Charge ng Baras Municipal Police Station.

Ayon sa ulat ng PNP, naganap ang insidente noong October 26, 2009.

Read also

Heaven Peralejo, nagsalita sa pagiging lead actress ng 'I Love You Since 1892'

“Nung araw pong iyon nagkaroon sila ng pagtatalo. May pinagseselosan po itong akusado. So ito pong akusado, nasakal niya, hanggang sa mapatay niya ang kaniyang asawa,” dagdag ni PMaj. Papa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Upang pagtakpan umano ang krimen, isinabit pa ng suspek ang kanyang misis sa puno gamit ang alambre. Agad rumesponde noon ang mga kaanak at kapitbahay ng biktima matapos madiskubre ang insidente.

Simula ng araw na iyon, hindi na nakita pa ang mister.

“Ito pong ating akusado ay biglang pong nawala nung araw ding iyon at nagtago na po siya,” ayon kay PMaj. Papa.

Lumabas sa imbestigasyon na nagtago ang akusado sa Bicol at kamakailan lamang bumalik sa Baras, Rizal.

Dito siya nahuli ng tracker team ng Baras Police sa tulong ng isang informant noong Biyernes, August 15, 2025. Labing-anim na taon siyang nagkubli upang takasan ang batas.

“Sa korte na lang ako magsasalita. Itinatanggi sir,” tanging pahayag ng suspek.

Read also

Ina ng 7-anyos na pinaslang sa Dagupan, nagsalita matapos madakip ang ama at madrasta ng bata

Itinuturing ang lalaki bilang Most Wanted Person sa regional level at nakatakdang humarap sa korte para sa kasong parricide.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Ama at madrasta ng 7-anyos na bata sa Pangasinan, inaresto kaugnay ng krimen

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)