Babae sa Davao City kinagat ng sawa habang mahimbing na natutulog
- Isang 32-anyos na babae sa Barangay Cabantian, Davao City ang kinagat ng reticulated python habang natutulog sa kanyang sala
- Nakunan pa ng video ng biktima ang pagtatangkang pagtakas ng sawa palabas ng kanilang bahay
- Agad siyang tinulungan ng Central 911 na nagbigay ng first aid at nagdala sa kanya sa ospital
- Hindi venomous ang reticulated python ngunit delikado pa rin dahil sa laki at lakas nito
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang hindi pangkaraniwang insidente ang gumising sa katahimikan ng Barangay Cabantian matapos kagatin ng higanteng sawa ang isang babae habang natutulog sa loob ng kanyang bahay.

Source: Original
Kinilala ang biktima na si Cindy Rodriguez, 32-anyos, na noon ay nagpapahinga sa kanyang sala nang bigla niyang maramdaman ang mabigat na presensya sa ibabaw ng kanyang katawan. Sa kanyang pagkagulat, isang reticulated python pala ang gumagapang sa kanya. Sinubukan niya itong itaboy ngunit biglang kumagat ang ahas bago nagtangkang tumakas sa pamamagitan ng bintana.
Nabitin ang sawa sa screen ng bintana kaya’t hindi ito makalabas. Sa kabila ng matinding takot, si Cindy pa mismo ang nagbukas ng pintuan upang tuluyang makalabas ang ahas. “Kinabahan ako. Sobrang kaba ko non and parang iniisip ko, 30 minutes na lang ‘yung life ko. Kailangan kong tumawag ng 911 baka kung mapano ako,” ani Cindy.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos nito, napansin niyang magulo ang kanilang banyo at pinaniniwalaang dito maaaring dumaan ang python, lalo’t wala raw tubig sa inidoro nang mga oras na iyon.
Sa kabila ng pagkakagat, nagawa pa ni Cindy na kunan ng video ang insidente bilang ebidensya at paghahanda sa pag-report. “Vinideohan ko ang pagtakas ng sawa kasi feeling ko magtatanong yung 911 eh kung anong klaseng ahas ang kumagat sayo,” dagdag pa niya.
Agad namang rumesponde ang Central 911 matapos ang kanyang tawag. Dinala siya sa ospital kung saan nabigyan ng tamang lunas. Bagaman hindi nakamamatay ang kagat ng reticulated python dahil hindi ito venomous, mariing pinayuhan siya ng doktor at mga otoridad na mag-ingat.
Ayon sa mga eksperto, ang reticulated python ay kabilang sa pinakamahabang species ng ahas sa mundo. Wala silang kamandag ngunit lubhang delikado pa rin dahil sa kanilang lakas na kayang mamilipit at bumitag ng mas malalaking hayop o kahit tao.

Read also
Babaeng convicted, gumawa ng wais na paraan upang makaiwas sa pagkakakulong sa loob ng 4 na taon
Ang insidenteng ito ay paalala na hindi lahat ng kagat ng ahas ay nangangailangan ng anti-venom, ngunit lahat ay dapat seryosohin. Ang kaalaman kung venomous o non-venomous ang ahas ay makakatulong upang malaman ang tamang agarang aksyon. Sa kaso ng python, bagama’t hindi ito nakakalason, maaari itong magdulot ng malalim na sugat at impeksyon. Ang maling pagkakaunawa tungkol dito ay maaaring magdulot ng sobrang takot o maling lunas.
Sa South Cotabato, isang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos makagat ng cobra habang nag-aalaga ng kanyang tanim. Agad siyang isinugod sa ospital ngunit nagpatuloy ang gamutan upang malabanan ang kamandag ng ahas.
Samantala, sa Cotabato naman, isang 67-anyos na magsasaka ang natagpuang wala nang buhay matapos umano’y atakihin ng isang king cobra. Ayon sa ulat, hindi na siya umabot pa ng buhay sa ospital dahil sa matinding epekto ng lason.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh