67-anyos na magsasaka, natagpuang patay matapos umano’y atake ng king cobra sa Cotabato
- 67-anyos na magsasaka sa Magpet, Cotabato natagpuang patay matapos ang isang araw na pagkawala
- Katawan ng biktima, natagpuan ilang metro mula sa kubo sa kanyang sakahan
- May mga kagat ng makamandag na king cobra na nakita sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima
- Awtoridad nagpaalala na ang mga cobra ay nagiging agresibo kapag naaabala ang kanilang teritoryo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng matinding takot at pangamba sa mga residente ng Magpet, Cotabato ang pagkamatay ng isang 67-anyos na magsasaka matapos umano’y kagatin ng isang makamandag na king cobra noong Sabado, Agosto 23, 2025.

Source: Original
Ayon sa pamilya ng biktima, umalis siya ng bahay bandang alas-4 ng madaling araw upang magtungo sa kanyang sakahan para alagaan ang mga pananim na saging, kamoteng kahoy, at mag-tap ng rubber trees. Nang hindi siya nakauwi kinagabihan, inakala nilang nagpahinga lamang ito sa kubo. Ngunit kinabukasan, natagpuan na lamang siyang wala nang buhay ilang metro mula sa naturang kubo.
Sa pahayag ng kanyang pamangkin na si Riza Ampon, malinaw na nakita ang mga sugat ng kagat sa katawan ng biktima: “Naa sila’y nakit-an sa lawas nga napaakan ug nagadugo-dugo. Naa sa tiil, naa sa kamot, naa sa iyang singit.”
Kinumpirma rin ni Major Abdusalam Mamalinta Jr., hepe ng Magpet Police Station, na wala silang nakikitang foul play. “Lumalabas na sa investigation natin na walang foul play. Visible talaga yung snake bites at saka accordingly, ang nakakagat sa kanya is isang king cobra o banakon,” aniya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa ng pulisya, ang mga king cobra ay natural na nagiging agresibo lalo na kung nararamdaman nilang na-invade ang kanilang teritoryo. “Based sa mga witnesses natin, kwento dito ng ating mga residents ay may tendency pala itong king cobra na maging aggressive ‘pag na-invade yung kanilang territory,” paliwanag ni Mamalinta.
Agad na ibinigay ang katawan ng magsasaka sa kanyang pamilya upang maayos na maipalibing.
Sa Pilipinas, hindi na bago ang balitang may naaaksidenteng tao dahil sa kagat ng cobra. Ang king cobra, o “banakon” sa lokal na tawag, ay isa sa mga pinaka-nakamamatay na ahas sa buong mundo. Isang kagat lamang nito ay maaaring makalason ng ilang tao, dahil sa dami ng venom na inilalabas nito.
Sa mga liblib na lugar kung saan madalas naroroon ang mga magsasaka, mas tumataas ang panganib ng kagat ng makamandag na ahas. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na anti-venom supply sa mga ospital at rural health units. Gayunpaman, nananatiling limitado ang access dito sa maraming probinsya, na nagiging sanhi ng mas mataas na mortality rate sa mga biktima ng snake bite.
Noong nakaraang buwan, nag-viral ang isang video ng nakakatakot na engkwentro sa cobra sa isang kalsada. Sa video, makikitang muntik nang tamaan ng makamandag na cobra ang isang motorcycle rider matapos itong umatake bigla. Mabuti na lamang at nakaiwas ang motorista, ngunit nagsilbi itong paalala sa publiko kung gaano kabilis at agresibo ang mga cobra kapag nagulat o nabahala.
Samantala, isang nakakagulat na insidente naman ang nangyari nang isang 2-anyos na bata ang nakagat ng cobra, ngunit nagawang kagatin pabalik ang ahas. Sa kabila ng pagtatangkang lumaban ng bata, siya ay nasawi dahil sa lason. Ang insidente ay nagdulot ng matinding lungkot sa komunidad at nagbigay-diin sa pangangailangan ng mas mabilis na access sa anti-venom at tamang edukasyon tungkol sa pag-iwas sa snake bites.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh