Bagong panganak ng lalaking sanggol, nadiskubre sa tambakan ng basura
- Isang bagong silang na lalaking sanggol ang nadiskubre ng mga residente sa Barangay Dangan, Reina Mercedes, Isabela
- Ayon sa mga awtoridad, napag-alamang may sanggol sa lugar ng makarinig ng iyak ang isang napadaan na residente
- Sa tabi ng lalaking sanggol, natagpuan din ang isang plastic bag na naglalaman ng kanyang inunan o placenta
- Agad namang sinuri ang kalagayan ng sanggol at inoobserbahan na ang siya ng Rural Health Unit ng nasabing lugar
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Isang bagong silang na lalaking sanggol ang natagpuan ng mga residente sa Barangay Dangan, Reina Mercedes, Isabela.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, may isang dumadaan na residente na nakarinig ng iyak ng sanggol at dito nila nadiskubre ang bata.
Sa tabi ng sanggol, may nakita ring isang plastic bag na naglalaman ng kanyang inunan o placenta.
Dahil dito, agad na ipinaalam ng mga residente ang insidente sa mga awtoridad at sa Rural Health Unit ng nasabing bayan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kaagad na sinuri ng mga health worker ang kalagayan ng bata upang masiguro ang kanyang kaligtasan.
Inoobserbahan na ngayon ang sanggol sa kanilang pangangalaga.
Ayon sa mga opisyal, nakatakda itong ibigay sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) habang patuloy na tinutukoy kung sino ang ina ng sanggol.
Kasalukuyan ding iniimbestigahan ang kaso upang malaman kung iniwan nga ba ang bata at ano ang tunay na nangyari bago siya natagpuan.
Ang insidente ay nagdulot ng pag-aalala at pagkabahala sa mga residente, na umaasang mabilis na matutukoy at makakausap ang ina ng sanggol upang maipaliwanag ang sitwasyon.
Sa ngayon, tiniyak ng mga awtoridad na nasa ligtas na kalagayan ang bata at may sapat na tulong na natatanggap mula sa pamahalaan at mga health worker.
Panuorin ang ulat ng GMA Regional News TV sa 'Balitanghali' ng GMA Network:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh