Dagupan 7-year-old slay: Pulis tiniyak na “airtight” ang kaso laban sa mga suspek

Dagupan 7-year-old slay: Pulis tiniyak na “airtight” ang kaso laban sa mga suspek

  • Pulisya ng Dagupan, tiniyak na matibay at kumpleto ang ebidensyang nakalap laban sa mag-asawang suspek sa pagpatay sa 7-anyos na bata
  • Ang mag-asawa ay nahaharap sa kasong kidnapping with hom!cide at nananatili sa kustodiya ng mga awtoridad habang hinihintay ang court raffle sa susunod na linggo
  • Autopsy report ng biktima ay hinihintay pa upang mas makumpleto ang kaso at suportahan ang mga ebidensyang hawak ng pulisya
  • Pamilya ng biktima ay nakatakdang ilibing ang bata sa Asingan, Pangasinan ngayong Agosto 25, 2025 habang nananawagan ng hustisya ang publiko

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tuloy-tuloy ang imbestigasyon at paglilitis sa karumal-dumal na kaso ng pitong taong gulang na batang babae na natagpuang patay sa dalampasigan ng Barangay Bonuan Gueset sa Dagupan City nitong Agosto 15, 2025. Ayon sa Dagupan City police, tiyak na aakyat na sa korte ang kaso matapos maihain laban sa mag-asawang itinuturong nasa likod ng krimen ang kasong kidnapping with hom!cide.

Dagupan 7-year-old slay: Pulis tiniyak na “airtight” ang kaso laban sa mga suspek
Dagupan 7-year-old slay: Pulis tiniyak na “airtight” ang kaso laban sa mga suspek (📷Pexels)
Source: Facebook

“Noong Monday after more than 14 hrs or 15 hrs na pag-refer po natin ng kaso sa piskal, is natapos din, nagkatoon na rin ng resolution based doon sa nakalap natin,” pahayag ni PLtCol. Lawrence Keith Calub, officer-in-charge ng Dagupan City Police Station. Idinagdag niya na inaasahang ngayong darating na linggo ay maisasagawa na ang court raffle upang tuluyan nang umabot sa korte ang kaso.

Read also

17-anyos, pinatay ang sariling ina at itinago ang bangkay sa ilalim ng kama

Kapag tuluyang umusad ang proseso, ang mag-asawang suspek ay ililipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa kanilang pagkakakulong. Sa kasalukuyan, nananatili silang nasa kustodiya ng mga awtoridad habang pinagtitibay pa ang mga hawak na ebidensya. “Ito pong pieces of evidence na na-gather ay airtight, hindi lang po probable cause yung madarating po ng ating ini-refer na kaso,” ani Calub.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa testimonya at nakalap na ebidensya, mahalagang hinihintay rin ng mga pulisya ang resulta ng autopsy sa biktima upang matukoy nang malinaw ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Ang autopsy report ay kritikal sa ganitong klase ng kaso dahil nagbibigay ito ng detalyadong impormasyon tungkol sa mga sugat, oras ng kamatayan, at kung paano isinagawa ang krimen. Ito rin ang maaaring maging matibay na batayan para sa korte upang mapatibay ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Samantala, nakaburol ngayon ang mga labi ng biktima sa kanilang tahanan sa Asingan, Pangasinan. Nakatakdang ilibing ang bata sa Lunes, Agosto 25, 2025. Kasabay nito, nananawagan ng hustisya ang mga kaanak at nakikiramay naman ang publiko sa sinapit ng inosenteng bata. Dahil dito, naglabas din ng paalala ang Pangasinan police sa mga magulang na maging mas mapagbantay sa kanilang mga anak at nangakong paiigtingin ang kanilang mga programa hinggil sa child protection at safety awareness.

Read also

53-anyos, napatay sa selos si misis; sinabit umano bangkay ng asawa sa puno

Matatandaang nitong nakaraang linggo, nadiskubre ang bangkay ng 7-anyos na bata sa dalampasigan ng Dagupan City matapos mawala ng ilang araw. Base sa ulat, nagtamo ito ng tatlong hiwa sa leeg na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay. Ang nakapangingilabot na eksenang ito ay nagdulot ng matinding galit at panawagan para sa hustisya mula sa publiko at maging sa lokal na pamahalaan.

Nakumpirma ng mga awtoridad na mismong ama at madrasta ng biktima ang pangunahing suspek sa krimen. Ayon sa mga ulat, sila ang huling nakitang kasama ng bata bago ito mawala. Naging matibay na ebidensya ang testimonya ng ilang nakakita at ang mga physical evidence na narekober. Ang balitang ito ay nagdulot ng matinding pagkadismaya mula sa publiko dahil mismong mga dapat nagpoprotekta sa bata ang iniugnay sa kanyang pagkamatay.

Samantala, nagsalita na rin ang ina ng nasawing bata matapos maaresto ang kanyang dating asawa at madrasta ng bata. Ayon sa kanya, hindi niya inasahan na ang mismong mga taong may direktang ugnayan sa bata ang magiging dahilan ng kanyang pagkawala at kamatayan. Nagpahayag siya ng labis na kalungkutan at nanawagan ng hustisya para sa anak. Maraming netizens ang nakisimpatya at ipinahayag ang kanilang pakikiisa sa ina sa laban para sa hustisya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate