16-anyos na suspek, arestado sa carnapping sa Misamis Oriental
- Nakarekober ang pulisya ng isang puting multicab pickup na nai-report na nawawala sa Binuangan, Misamis Oriental
- Nahuli sa loob ng sasakyan ang isang 16-anyos na lalaki mula Butuan City na walang maipakitang dokumento ng pagmamay-ari
- Positibong kinilala ng may-ari ang sasakyan matapos mahanap ito ng Talisayan MPS sa national highway
- Kakaharapin ng menor de edad ang kasong paglabag sa R.A. 10883 o The New Anti-Carnapping Act of 2016
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakarekober ang pulisya ng isang nakaw na sasakyan at naaresto ang isang 16-anyos na menor de edad na hinihinalang carnapper sa Misamis Oriental noong Miyerkoles, Agosto 20.

Source: Getty Images
Ayon kay Police Regional Office 10-Regional Public Information Office (PRO 10-RPIO) chief Police Major Joan G. Navarro, agad na nagtungo sa Binuangan Municipal Police Station (MPS) ang may-ari ng sasakyan upang ireport na nawawala ang kaniyang puting multicab pickup na nakaparada sa isang tulay.
Kaagad na ipinakalat ang impormasyon sa mga kalapit na himpilan. Bandang alas-7:30 ng umaga, namataan ng mga nagpapatrolyang tauhan ng Talisayan MPS ang isang sasakyang tumutugma sa inilalarawang unit sa kahabaan ng national highway.
Nadatnan ng mga awtoridad ang isang 16-anyos na lalaki mula sa Butuan City na nakasakay sa naturang pickup.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nang hingan ng dokumento ng pagmamay-ari, nabigo ang menor de edad na makapagpakita ng alinman.
Dahil dito, agad siyang inaresto ng pulisya. Kasama ang Binuangan MPS, positibong kinilala ng may-ari na ang sasakyang iyon nga ang kaniyang pag-aari.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Binuangan MPS ang menor de edad at ang nakuhang pickup para sa kaukulang disposisyon.
“A case for violation of R.A. 10883 (The New Anti-Carnapping Act of 2016) will be filed against the suspect,” pahayag ni Navarro.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung may iba pang kasabwat ang suspek sa nasabing insidente.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal an ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh