Ina ng 7-anyos na pinaslang sa Dagupan, nagsalita matapos madakip ang ama at madrasta ng bata

Ina ng 7-anyos na pinaslang sa Dagupan, nagsalita matapos madakip ang ama at madrasta ng bata

  • Isang pitong taong gulang na estudyante mula Asingan, Pangasinan ang natagpuang patay sa baybayin ng Bonuan Gueset, Dagupan City matapos mawala noong Agosto 14
  • Kinilala ang mga pangunahing suspek bilang ama ng bata at madrasta nito na naaresto sa Sison, Pangasinan matapos kilalanin ng mga saksi
  • Lumabas sa imbestigasyon na nirentahan ng mga suspek ang Toyota Fortuner na ginamit sa sapilitang pagsakay sa bata bago siya matagpuang may tatlong sugat sa leeg
  • Naglabas ng pahayag ang ina ng biktima na kahit sa gitna ng sakit ay humuhugot siya ng lakas sa Diyos at ipinangakong hinding-hindi siya titigil hangga’t hindi nakakamit ang hustisya para sa kanyang anak

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

“God is good. Even in this pain, I trust that He will hold my hand and lead me to the justice my heart cries for. He sees everything, and He will not let this pass without truth. My strength comes from Him, and with His light, justice will find its way.”

Read also

Ama at madrasta ng 7-anyos na bata sa Pangasinan, inaresto kaugnay ng krimen

Ina ng 7-anyos na pinaslang sa Dagupan, nagsalita matapos madakip ang ama at madrasta ng bata
Ina ng 7-anyos na pinaslang sa Dagupan, nagsalita matapos madakip ang ama at madrasta ng bata (📷Pexels)
Source: Facebook

Ito ang naging pahayag ng ina ng pitong taong gulang na batang babae na pinaslang sa Dagupan City matapos ang pag-aresto sa ama at madrasta ng bata.

Nayanig ang buong Pangasinan noong Agosto 15, 2025 nang matagpuan ang bangkay ng Grade 2 student mula Barangay Bantog, Asingan sa baybayin ng Bonuan Gueset, Dagupan City. Ayon sa pulisya, nawala ang bata matapos sapilitang isakay sa isang sasakyan noong Agosto 14. Kinagabihan, nadiskubre ng mga mangingisda ang katawan ng bata, na may tatlong hiwa sa leeg batay sa medico-legal report.

Kinumpirma ni Police Lt. Col. Lawrence Keith Calub, officer-in-charge ng Dagupan City Police Station, na naaresto ang mga suspek sa Sison, Pangasinan. “Hinuli po (sila) ng composite teams from different stations… may naka-identify doon sa suspects kaya hinuli po natin sila doon sa Sison, Pangasinan,” ayon kay Calub.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Natunton ang ginamit na Toyota Fortuner matapos i-post ng isang concerned citizen ang larawan nito online. Agad nakilala ng may-ari ang sasakyan kahit iba ang plaka dahil sa natatanging markings. “May nag-post po kasi na concerned citizen, na nakita po itong Fortuner na ito daw ‘yong alleged na kumuha doon sa bata. So nung nakita nung owner sabi niya sasakyan ko ‘yan kahit magkaiba ‘yung plaka pero may markings ‘yan,” dagdag ni Calub.

Read also

Amerikanong pastor, iniimbestigahan sa Pampanga dahil umano sa pang-aabuso sa mga bata

Sa imbestigasyon, napatunayang nirentahan ng ama at madrasta ng biktima ang nasabing sasakyan. Ayon sa pulisya, malaking posibilidad na paghihiganti ang motibo. “Nakikita natin na motive dito is vengeance. Medyo mahaba ‘yong kwento pero about ito sa support, about sa miscarri4ge, about sa effect ng post-partum though marami pong effect pero ang nakikita natin is vengeance,” ani Calub.

Sa kabila ng bigat ng sinapit, nananatiling matatag ang ina ng biktima. Sa kanyang pahayag, ipinahayag niyang hinding-hindi siya susuko hanggang makamit ang katarungan para sa kanyang anak.

Ang ama at madrasta ng biktima ay posibleng humarap sa kasong parricide at murder dahil sa pagkamatay ng bata, na naganap sa pamamagitan ng marahas na paraan. Maari rin silang sampahan ng kidnapping dahil sa sapilitang pagkuha sa bata mula sa kanyang tahanan. Sa ilalim ng Revised Penal Code ng Pilipinas, ang mga kasong ito ay may katapat na parusang reclusion perpetua o habang-buhay na pagkakakulong. Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, mahalagang bahagi ng ebidensya ang testimonya ng mga saksi, medico-legal findings, at impormasyon mula sa may-ari ng sasakyang nirentahan ng mga suspek.

Read also

Bureau of Customs nakipag-ugnayan kay Bela Padilla ukol sa isyu ng import duties

Nauna nang iniulat ng Kami.com.ph ang pagkawala at pagkakatagpo sa bangkay ng batang babae. Ayon sa ulat, natagpuan siya sa dalampasigan ng Dagupan na may tatlong gilit sa leeg. Ang naturang kaso ay nag-udyok ng matinding panawagan ng hustisya mula sa mga netizens at lokal na komunidad.

Samantala, isa pang nakababahalang balita tungkol sa karahasan laban sa bata ang iniulat ng Kami.com.ph. Isang siyam na taong gulang mula Iligan City ang nakaligtas matapos ang ilang araw sa coma na umano’y dulot ng pambubugbog. Ang insidenteng ito ay muling nagbigay-diin sa kahalagahan ng mas mahigpit na proteksyon at batas para sa mga kabataan laban sa karahasan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate