Bacolod accountant, arestado matapos umano’y ipangsugal online ang P900K pondo ng kumpanya
- Arestado ang isang 30-anyos na babae sa Bacolod City dahil sa isa sa 40 counts ng qualified theft matapos umano’y gamitin sa online sugal ang P900,000 pondo ng kumpanya
- Ayon sa pulisya, nakasanayan ng suspek na kumupit ng P10,000 hanggang P20,000 mula sa remittance ng salesmen tatlong beses kada linggo sa loob ng dalawang taon
- Inamin umano ng suspek na nauwi ang pera sa online sabong at electronic g^mbling na natutunan niya mula sa isang link sa cellphone
- Itinakda ng korte ang P1.3 milyon bail para sa pansamantalang kalayaan habang nagpapatuloy ang kaso laban sa kaniya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi inaasahan ng isang kompanya sa Bacolod City na ang kanilang pinagkakatiwalaang empleyado sa loob ng isang dekada ay mauuwi sa kontrobersiya. Arestado ang 30-anyos na babae na itinago sa alyas na “Erika” matapos ma-serve ang warrant of arrest kaugnay ng isa sa 40 counts ng qualified theft.

Source: Original
Batay sa ulat ng Bacolod City Police Station 10, natuklasan sa audit na nawalan ang kumpanya ng humigit-kumulang P900,000 sa loob lamang ng dalawang taon. Ayon kay Police Captain Glenn Montaño, “Nire-remit ng kanyang salesman daily between P500,000 to P1 million, kumukuha siya ng P10 hanggang P20,000. Kumukuha siya mga tatlong beses kada linggo. Nang nag-audit na, doon na nakita na malaki ang losses ng kanilang company.”
Sa imbestigasyon, inamin umano ni “Erika” na ang pera ay nauwi sa online sabong at electronic g^mbling. Ani Montaño, “Naka-click raw siya ng link sa kanyang cellphone. Nag-online g^mbling, tumataya siya [sa] e-sabong. Ayaw naman daw niya sana kasi may namamatay na mga manok, nagbe-bet lang siya.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kilala ang babae bilang matagal nang empleyado ng kumpanya, dahilan kung bakit siya pinagkatiwalaan sa paghawak ng malaking halaga. Gayunpaman, hindi na ibinunyag ng pulisya ang pangalan ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan.
Itinakda ng korte ang P1.3 milyon bail para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. Subalit, nang subukan siyang kapanayamin ng media, tumanggi itong magbigay ng pahayag.
Ang kaso ng qualified theft ay isa sa pinakamabibigat na anyo ng pagnanakaw dahil ginagawa ito ng taong may tiwala at access sa ari-arian ng pinagnakawan. Karaniwang nangyayari ito sa mga empleyadong may hawak ng pera ng kumpanya. Sa ilalim ng batas, mas mabigat ang parusa kumpara sa simpleng theft dahil sa elementong “abuse of trust.”
Ang kaso ay sumabay sa direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Agosto 14, 2025 na tanggalin ang lahat ng online g^mbling links mula sa mga e-wallet platforms sa loob ng 48 oras. Layunin nito na maputol ang mabilis na access ng publiko sa sugal online, na nagiging sanhi ng maraming kaso ng pagkaubos ng ipon at pagkakabaon sa utang.
Mismong Roman Catholic Church ay nagpahayag ng suporta. Ayon kay Msgr. Ronald Quijano ng San Sebastian Cathedral, “Sa age bracket, walang limit, seniors, parents, mga young people, bata pwedeng makilahok. Hindi sila ginagabayan sa mabuting direksyon. Nagbibigay ng false hope, in the end, hindi pala mabuti.”
Hindi ito ang unang beses na naging headline ang mga kasong qualified theft. Nitong nakaraang buwan, isang dating cashier ng supermarket sa Malabon ang naaresto rin dahil sa multiple counts ng theft. Matagal umanong nag-imbak ng pera ang empleyado mula sa daily transactions bago tuluyang mabuking sa audit. Basahin ang ulat dito.
Sa isa pang insidente, isang babae ang nagpanggap na kasambahay upang makapagnakaw ng higit P1 milyon mula sa iba’t ibang pamilya. Kalaunan, nahuli siya matapos magreklamo ang kaniyang mga naging biktima. Basahin ang buong detalye rito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh