Lalaking nagnakaw sa SUV sa Sampaloc, sapul sa CCTV at arestado
- Sapul sa CCTV ang lalaking naka-helmet na binasag ang bintana ng SUV sa Sampaloc at tumangay ng gamit na aabot sa P40,000 ang halaga
- Natunton at naaresto ng pulisya ang suspek sa Bohol Street, Sampaloc, matapos ang follow-up operation
- Narekober ng mga awtoridad ang imported bags, sapatos, shades, at iba pang gamit ng biktima
- Aminado ang suspek na ginaya niya ang teknik mula sa “life hack” video para sa pangangailangan ng kanyang anak na nag-aaral sa kolehiyo
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sapul sa CCTV ang pagbasag at pagnanakaw ng isang lalaki sa nakaparadang SUV sa kahabaan ng Mangga Avenue, Sampaloc, Maynila, nitong Martes ng madaling araw.

Source: Getty Images
Ayon sa Sampaloc Police, papasok na sa trabaho ang 37-anyos na may-ari ng SUV mag-a-alas sais ng umaga nang mapansing basag na ang bintana ng sasakyan at nawawala ang mga gamit na tinatayang nagkakahalaga ng P40,000.
Agad siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Sa pagsusuri ng CCTV, makikita ang lalaking naka-helmet na binasag ang kanang bintana gamit ang bato na binalot sa tela.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pumasok pa ito sa loob ng SUV at lumabas makalipas ang ilang minuto, bitbit ang mga ninakaw na gamit.
“Sinundan natin ‘yung mga dinaanan ng suspek. Na-find out natin, umuwi lang siya sa kanyang tahanan. May gamit siyang motorsiklo sa pag-alis niya,” ayon kay PLt. Christopher Ferrer, Sector 2 Commander ng Sampaloc Police Station.
Sa follow-up operation, natunton ang suspek sa Bohol Street, Sampaloc, noong Martes ng gabi.
“Narekober po natin ang imported na bags, sapatos, shades, at saka ‘yung iba pang gamit ng victim,” dagdag ni Ferrer.
Aminado ang suspek na ginaya niya ang teknik mula sa isang “life hack” video sa social media.
“Napanood ko lang po. \[Para] sa anak ko po, nag-aaral po college na,” aniya.
Paalala ni Ferrer sa publiko: “Magdoble-ingat po tayo sa pagpaparada ng ating mga sasakyan… Iwasan po natin mag-iwan ng mahahalagang gamit.”
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Sampaloc Police Custodial Facility at nahaharap sa kasong theft.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh