Rigo Duterte, iginiit na walang saysay ang panawagan kontra kay Vice Ganda

Rigo Duterte, iginiit na walang saysay ang panawagan kontra kay Vice Ganda

  • Vice Ganda nagbiro sa concert tungkol sa dating Pangulong Rodrigo Duterte na ikinagalit ng mga tagasuporta nito
  • May panawagang i-ban ang komedyante sa Davao City bilang persona non grata
  • Acting vice mayor Rigo Duterte tinabla ang panawagan at tinawag itong baseless at attention-seeking
  • Rigo Duterte iginiit na may mas mahalagang isyu ang lungsod kaysa sa kontrobersya sa biro

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-viral kamakailan ang biro ni Vice Ganda sa kanyang concert sa Araneta Coliseum kasama si Regine Velasquez, kung saan binanggit niya ang ideya ng jet ski holiday mula Maynila patungong West Philippine Sea at free trip to The Hague para sa mga DDS (Diehard Duterte Supporters). Ang punchline ay sinabayan pa ng “Huwag niyo akong subukan, mga pu****i** niyo,” na lalong ikinagalit ng mga tagasuporta ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa ICC.

Rigo Duterte, iginiit na walang saysay ang panawagan kontra kay Vice Ganda
Rigo Duterte, iginiit na walang saysay ang panawagan kontra kay Vice Ganda (📷Rigo Duterte Supporters/Facebook)
Source: Facebook

Dahil dito, may ilang grupo at indibidwal na nanawagan na ideklarang persona non grata si Vice Ganda sa Davao City. Ngunit agad itong tinabla ng acting vice mayor ng lungsod na si Rigo Duterte, apo ng dating Pangulo at anak ni 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte.

Read also

Kitty Duterte, nagbigay ng update sa kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon kay Rigo, walang saysay ang nasabing panawagan at tinawag itong “baseless, attention-seeking antics from performers desperate for relevance.” Iginiit niya na mas maraming mahalagang isyu ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaang lungsod kaysa sa pagtugon sa isang biro. Dagdag pa niya, ang ganitong “cheap insults and distasteful jokes made for clout” ay hindi magpapadistract sa kanila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binigyang-diin pa ni Rigo na mas mainam para kay Vice na ipakita ang parehong dedikasyon, disiplina, at respeto na ipinapamalas ng mga lider at mamamayan ng Davao City. “Para maalala ka hindi lang sa mababaw na tawa at headline-grabbing comments,” aniya.

Samantala, sa parehong isyu, bumuwelta rin si dating Presidential Spokesperson Harry Roque kay Vice, sinabing lalo lamang nitong pinahihirapan ang dating pangulo. “Tatay Digong was already on the ground—imprisoned, 80 years old, and seemingly nearing death in jail—yet you still kicked him while he was down,” ayon kay Roque.

Gayunpaman, may mga personalidad din na dumepensa kay Vice. Isa na rito ang Palace Press Officer Claire Castro na nagsabing walang mali sa biro dahil ito ay hango sa mismong pahayag noon ng dating pangulo.

Read also

Gerald Anderson, pinayuhan ni Ogie Diaz na magsalita ukol sa mga naglabasang fake news

Si Rigo Duterte ay acting vice mayor ng Davao City at apo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kilala siya sa pagiging matapang sa pagbibigay ng opinyon sa mga isyu ng lungsod, lalo na kapag may kinalaman sa pangalan ng kanilang pamilya. Mula sa prominenteng political clan ng Davao, nagsisilbi rin siyang councilor habang si Baste Duterte ang kasalukuyang acting mayor.

Matapos ang kontrobersyal na biro ni Vice Ganda, ipinagtanggol siya ni Pokwang laban sa mga bumabatikos. Ayon sa kanya, hindi si Vice ang dapat sisihin sa lahat ng sinasabi sa isang scripted performance at dapat ay mas unawain ang konteksto ng biro. Nanindigan si Pokwang na hindi dapat gawing personal ang mga patutsada sa entablado (basahin dito).

Sa gitna ng panawagan laban kay Vice, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi lumabag sa batas o moral ang biro. Ipinaliwanag niyang ito ay malinaw na satirical at nakaangkla sa mga pahayag ng dating pangulo mismo. Hinimok niya ang publiko na mas maging bukas sa ganitong klase ng humor at huwag agad magpataw ng mabigat na parusa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate