Principal sa Cotabato, pinagbabaril sa tapat mismo ng paaralan
- Principal ng Agriculture Elementary School sa Midsayap, Cotabato, binaril sa tapat ng campus nitong Agosto 12
- Biktima kinilalang si Arlyn Dofredo Alcebar, residente ng Barangay Poblacion 5
- Dalawang lalaki sakay ng motorsiklo ang suspek, gamit ang .45 caliber pistol sa pamamaril
- DepEd kinondena ang insidente at tiniyak ang seguridad sa mga paaralan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang insidente ng karahasan ang yumanig sa Midsayap, Cotabato nitong Martes ng umaga, Agosto 12, matapos barilin ang isang principal sa mismong tapat ng paaralan na kanyang pinamumunuan. Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Arlyn Dofredo Alcebar, residente ng Barangay Poblacion 5 at principal ng Agriculture Elementary School.

Source: Facebook
Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang pamamaril bandang alas-7:10 ng umaga habang minamaneho ni Alcebar ang kanyang dark red Toyota Rush. Dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang biglang sumalubong at um-overtake sa kanyang sasakyan bago magpaputok nang sunod-sunod gamit ang isang .45 caliber pistol.
Agad rumesponde ang mga awtoridad at isinugod si Alcebar sa Dr. Amado B. Diaz Provincial Foundation Hospital para sa agarang lunas. Sa lugar ng insidente, nakarekober ang mga imbestigador ng walong basyo ng bala at isang slug. Mabilis ding inilunsad ng Midsayap Municipal Police Station ang hot pursuit operation para mahabol ang mga salarin.
Kasalukuyang sinusuri ng mga pulis ang CCTV footage mula sa mga kalapit na lugar at nakikipag-ugnayan sa Philippine Army’s 34th Infantry Battalion pati na rin sa mga checkpoint sa paligid upang matukoy ang mga suspek. Bilang bahagi ng agarang tugon, nagdagdag ng presensya ng pulisya sa paligid ng paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga teachers, mag-aaral, at kawani.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Wala pang malinaw na motibo ang naitatala at patuloy pa ang pangangalap ng impormasyon mula mismo sa biktima. Naglabas naman ng pahayag ang Department of Education na mariing kinokondena ang insidente: “We are deeply saddened and condemn this senseless act of violence. Our thoughts and prayers are with Principal Alcebar and her family during this difficult time. We are committed to ensuring the safety and security of our schools and personnel.”
Ang pamamaril na ito ay nangyari ilang linggo matapos ang isang insidente sa Balabagan, Lanao del Sur, kung saan isang teacher ang binaril at napatay ng kanyang sariling estudyante—isang pangyayari na nagpataas lalo ng panawagan para sa mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan.
Sa mga nakaraang taon, tumataas ang mga ulat ng karahasan sa loob at paligid ng mga paaralan sa Pilipinas. Kabilang dito ang mga insidenteng kinasasangkutan ng riding-in-tandem, personal na alitan, at mas bihirang kaso ng estudyanteng nananakit o pumatay ng teachers.
Sa Balabagan, Lanao del Sur, isang Grade 11 estudyante ang naaresto matapos umanong barilin ang kanyang dating subject head sa loob mismo ng paaralan. Ayon sa mga awtoridad, may dating alitan umano sa pagitan ng teacher at estudyante, na posibleng naging motibo ng insidente. Nagdulot ito ng matinding takot sa mga mag-aaral at teacher sa lugar at nagpaigting sa panawagan para sa mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan (basahin dito).
Matapos ang nasabing insidente sa Lanao del Sur, agad na nag-deploy ng mga pulis sa nasabing paaralan upang matiyak ang seguridad ng mga estudyante at teacher. Ang pagkamatay ng teacher ay nagdulot ng matinding pagkabahala sa komunidad, at nanawagan ang DepEd ng hustisya para sa biktima. Ito ay isa sa mga pangyayaring nagbunsod ng mas mataas na antas ng pagbabantay sa mga paaralan sa rehiyon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh