Mommy Dionisia, game magpakasal kay Michael Yamson: "May wedding ring na kami"
- Kinumpirma ni Mommy Dionisia at longtime partner na si Michael Yamson na may plano na silang magpakasal, bagay na ipinahayag nila sa isang vlog ni Bernadette Sembrano
- Ayon kay Mommy D, mayroon na silang wedding ring at matagal nang napag-usapan ang kasal na ayon kay Michael ay ‘oo naman’ ang sagot
- Pinangako umano ni Michael na ‘kamatayan lang ang makakapaghiwalay’ sa kanilang dalawa, aniya walang makakapigil sa pagmamahalan nila kahit pa maraming intriga sa kanilang relasyon
- Mahigit 10 taon nang magkasama ang dalawa at patuloy na matatag ang relasyon sa kabila ng malaking agwat ng edad at iba't ibang isyung ibinabato sa kanila
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa kabila ng edad at mahigit isang dekadang pagsasama, handa pa rin daw maglakad sa altar si Mommy Dionisia Pacquiao kasama ang longtime partner niyang si Michael Yamson.

Source: Youtube
Sa pinakabagong episode ng vlog ni Bernadette Sembrano nitong Linggo, Agosto 10, diretsahang tinanong ng Kapamilya journalist ang dalawa kung may balak na silang magpakasal. “Plano n’yo bang ikasal,” tanong ni Bernadette. Mabilis na sinagot ito ni Michael ng, “Yes… Oo naman,” na agad namang ikinangiti ni Mommy D.
Ayon sa ina ng “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao, mayroon na silang wedding ring at matagal nang napag-usapan ang planong kasal. Hindi rin napigilan ni Mommy D na ibahagi ang matamis na pangako ni Michael sa kaniya: “Sinabi niya sa akin, ‘Patunayan ko sa ’yo kamatayan lang hiwalayan natin. Sinoman ang mauna sa atin, kamatayan lang makapaghihiwalay sa atin.’”
Lampas 11 taon na ang kanilang pagsasama, at sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad at samu’t saring intriga, nananatiling matatag at masaya ang kanilang relasyon. Para kay Mommy D, mahalaga na manatiling bukas ang puso sa pag-ibig, anuman ang edad.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Dionisia Pacquiao, mas kilala bilang Mommy D, ay naging kilalang personalidad hindi lang bilang ina ng boxing legend na si Manny Pacquiao kundi bilang public figure na madalas magbigay ng aliw sa media. Bukod sa pagiging vocal sa kanyang mga opinyon at love life, nakilala rin siya sa mga public appearances at viral moments sa social media.
Ang relasyon niya kay Michael Yamson ay nagsimula mahigit isang dekada na ang nakalipas. Noong una, naging sentro ito ng mga kontrobersiya dahil sa age gap nila, ngunit pinatunayan ng dalawa na hindi hadlang ang edad sa pagmamahalan. Sa mga nakaraang taon, makailang beses na ring lumabas ang mga balita tungkol sa kanilang matibay na samahan, na tila patungo na ngayon sa kasalan.
Noong Hunyo, naging usap-usapan sa social media ang matamis na sorpresa ni Michael Yamson para kay Mommy D sa kanilang ika-11 anibersaryo bilang magkasintahan. Sa post na ibinahagi ni Mommy D, makikita ang simpleng selebrasyon at ilang regalo mula kay Michael, na nagpapatunay ng kanyang pagmamahal at dedikasyon. Maraming netizens ang natuwa at kinilig sa kanilang anniversary photos, na tinawag pa silang ‘relationship goals.’
Sa isa pang pagkakataon, hindi nagpatalo si Michael Yamson nang may magkomento tungkol sa kanilang matagal na relasyon. Sa halip na mainis, diretsahan niyang sinagot ang pang-aasar ng netizen, ipinapakita na kampante siya sa pagmamahalan nila ni Mommy D. Ayon kay Michael, mahalaga na sa relasyon ay may respeto at tiwala, at ang tagal ng kanilang pagsasama ay patunay ng kanilang tibay bilang magkapareha.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Proofreading by Glory Mae Monserate, copy editor at KAMI.com.gh.
Source: KAMI.com.gh