Grade 3 pupil sa Iligan, bugbog-sarado ng apat na high school students—nasa ICU ngayon
- Isang Grade 3 student sa Iligan City ang nasa ICU matapos bugbugin ng apat na high school students
- Nakunan sa video ang insidente kung saan makikitang pinagsusuntok at tinatadyakan ang biktima
- Iligan Mayor Freddie Siao, kinondena ang karahasan at nangakong tutulungan ang pamilya ng bata
- Netizens, muling nanawagan sa pagbaba ng edad ng maaaring managot sa batas
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Viral ngayon sa social media ang video ng pambubugbog sa isang 9 taong gulang na Grade 3 pupil ng Maria Cristina Falls Elementary School sa Iligan City, na pinagtulungang kuyugin ng apat na high school students. Sa video na kumakalat online, makikita ang sunod-sunod na suntok at tadyak na ibinigay sa batang biktima, partikular sa kaniyang ulo at katawan.

Source: Original
Matapos ang brutal na pananakit, agad dinala ang bata sa ospital at kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) dahil sa matinding pinsala. Lalo nang ikinabahala ng publiko ang kondisyon nito matapos mapanood ang video, na mabilis na nag-viral sa iba’t ibang social media platforms.

Read also
Bela Padilla, nagsalita tungkol sa breakup nila ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay
Sa isang opisyal na pahayag, mariing kinondena ni Iligan City Mayor Freddie Siao ang pangyayari. “I am deeply saddened and disturbed by the tragic incident involving a Grade 3 pupil of Maria Cristina Falls Elementary School, who is now fighting for his life in the ICU after being brutally attacked by a group of high school students,” aniya. Dagdag pa niya, “No child deserves to go through such pain and violence.”
Ayon sa alkalde, nakipag-ugnayan na siya sa mga awtoridad para sa imbestigasyon at nagpaabot na ng tulong sa pamilya ng biktima. Samantala, sa social media, nag-uumapaw ang mga komento ng mga netizens na nananawagan na ibaba ang edad ng maaaring makulong o managot sa batas, upang mapanagot ang mga kabataang gumagawa ng mabibigat na krimen.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Kailangan talagang makahanap na ng katapat ang mga bata ngayon!” ayon sa isang komento. “Gawaing kriminal na ‘yan, hindi na gawaing bata,” dagdag pa ng isa.
Sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act ng Pilipinas (RA 9344), ang minimum age of criminal responsibility ay 15 taong gulang. Ibig sabihin, ang mga batang wala pang 15 ay hindi maaaring parusahan bilang kriminal, ngunit maaaring sumailalim sa intervention programs. Ang mga nasa edad 15 hanggang wala pang 18 ay maaaring managot kung mapapatunayang kumilos nang may discernment, ngunit kadalasan ay sa rehabilitation centers sila inilalagay at hindi sa regular na kulungan. Sa mga nakaraang taon, ilang mambabatas ang nagtutulak na ibaba ang edad ng criminal liability sa 12 o mas mababa pa, lalo na kapag sangkot ang kabataan sa mabibigat na krimen.
Isang 8 taong gulang na batang babae ang natagpuang patay sa Novaliches matapos umanong pagsamantalahan at patayin ng isang 13 taong gulang na binatilyo. Ayon sa pulisya, umamin ang suspek sa ginawang krimen at kasalukuyang nasa kustodiya ng DSWD. Nagdulot ito ng malawakang panawagan mula sa publiko para sa mas mababang age of criminal liability.

Read also
Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres
Lumabas sa karagdagang imbestigasyon na ang 13 anyos na suspek sa pagpatay sa batang babae sa Novaliches ay kinasuhan din dahil sa panggagahasa. Ipinahayag ng awtoridad na mas mabigat ang kasong kinakaharap nito, ngunit dahil sa edad, mananatili muna siya sa pangangalaga ng DSWD. Muli, lumakas ang panawagan ng publiko na repasuhin ang juvenile justice system ng bansa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh