Sanggol na inabandona ng umano'y menor sa kanal sa Cavite, natagpuan sa pagitan ng makitid na pader

Sanggol na inabandona ng umano'y menor sa kanal sa Cavite, natagpuan sa pagitan ng makitid na pader

  • Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan na inabandona sa kanal sa pagitan ng dalawang pader sa Cavite matapos marinig ang kanyang iyak ng mga residente
  • Isang lalaki ang nagpakita ng kabayanihan nang ipasok ang sarili sa maliit na butas ng pader at isiniksik sa makitid na espasyo upang mailigtas ang sanggol gamit lamang ang isang kamay
  • Napag-alaman ng barangay na isang menor de edad sa lugar ang nagsilang sa sanggol; nasa pangangalaga na ngayon ng mga kaanak ang batang ina
  • Ayon sa DSWD, patuloy ang pagbibigay ng suporta at counseling sa mag-ina, at handa silang tumulong kung nais ng ina na ituloy ang kanyang pag-aaral

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang bagong silang na sanggol ang nailigtas matapos matagpuan sa kanal sa pagitan ng dalawang makitid na pader sa Cavite noong Lunes, Agosto 4.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: Facebook

Sa ulat ni Oscar Oida ng GMA News 24 Ora, ikinuwento ng mga residente na nakarinig sila ng iyak ng sanggol at agad na sinilip ang pagitan ng dalawang pader.

Read also

Babae, patay nang mabagsakan ng debris matapos bumangga ang truck sa tindahan

Laking gulat nila nang makita ang walang saplot na sanggol sa loob ng kanal.

Agad namang kumilos ang isang lalaki na nagawang ipasok ang kanyang katawan sa isang maliit na butas sa pader na karaniwang nilalagyan ng exhaust fan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos makapasok, isiniksik niya ang sarili sa makitid na espasyo at gamit lamang ang isang kamay, inabot ang sanggol at iniabot ito sa mga taong nasa labas.

Matapos mahugot, agad na binalutan ng tela ang sanggol at dinala ito sa pagamutan.

Ayon sa mga awtoridad, patuloy na inoobserbahan ang kondisyon ng sanggol, na nasa maayos na kalagayan.

Sa imbestigasyon ng barangay, napag-alamang isang menor de edad sa lugar ang posibleng nagsilang sa sanggol.

Kinumpirma ito ng pulisya at nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng mga kaanak ang batang ina. Ayon kay Tatong Faeldonera, social welfare officer 1, binibigyan nila ng counseling at suporta ang mag-ina.

Read also

2-anyos na bata patay matapos atakihin ng bubuyog sa Aurora, Zamboanga del Sur

Bukas din ang kanilang tanggapan sa pagtulong kung nanaisin ng menor de edad na ina na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

8-anyos na batang babae patay sa Novaliches, 13-anyos na suspek umamin sa krimen

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)